Namangha ang lahat sa nakamit na panibagong tagumpay ni Nash dahil sa mayroon na pala siyang sarili niyang bahay at lupa sa Amerika sa mura niyang edad!



Sa ating panahon ngayon, sino nga ba ang hindi nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay at lupa? Bahay at lupa na kung saan ay magsisimula tayong muli na bumuo ng ating mga pangarap hindi lamang para sa ating mga sarili kung hindi maging para sa ating mga mahal sa buhay.



Kung kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na marami sa ating mga kababayan ang nagsusumikap sa kanilang mga trabaho o di kaya naman ay pinagbubutihan talaga ang kanilang pag-aaral upang kapag sila ay nakapagtapos na ay magiging madali na para sa kanila ang makahanap ng trabaho at kalaunan ay makaipon para sa pangarap nilang bahay at lupa.


Kung kaya naman sa murang edad ay lubos na hinangaan at naging inspirasyon ng maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan ang aktor na si Nash Aguas o mas kilala rin bilang Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas na kaniyang tunay na pangalan. Siya ay 20-taong gulang na aktor, mang-aawit at modelo. Kamakailan nga lamang ay naging usapan sa social media ang kaniyang bagong bahay at lupa sa Las Vegas, Nevada.



Limang taon lamang siya noon nang magsimula siya sa industriya ng show business nang sinalihan niya ang isang programa sa ABS-CBN na “Ang Batang F4 Contest”. Nakilala rin siya noon sa programa ng ABS-CBN na Star Circle Quest kung saan siya ay tinanghal na “Grand Kid Questor”. Lumipas pa ang ilang mga taon at mas dumami ang kaniyang mga proyektong programa at pelikula maging mga endorsement kung kaya naman hindi na nakakapagtaka ang kaniyang tagumpay.


Maging ang kasintahan niyang si Mika dela Cruz ay nagpahayag ng kaniyang pagbati sa nobyo ito ang kaniyang naging pahayag:
“Ngiting tagumpay! Happy for you love!”



Bukod sa pagiging aktor ay may-ari na rin siya nng isang restawran at binibigyang-pansin niya rin ang hilig at interes niya na maging isang direktor.




error: Content is protected !!