Ika-44 taong kaarawan ni Rico Yan, inalala ng kaniyang mga tagahanga at malalapit na kaibigan sa industriya!



Tiyak na marami pa rin sa atin ngayon ang nakakaalala sa gwapo at mahusay na aktor na si Rico Yan. Kilala siyang kapareha ng aktres na si Claudine Barreto noon sa ilan nilang mga pelikula. Marami ang nagdalamhati at nanghinayang nang lumisan ang aktor na si Rico Yan o kilala din bilang Ricardo Carlos Castro Yan sa totoong buhay.



Dapat sana ay 44 taong gulang na sana siya noong ika-14 ng Marso kung hindi siya pumanaw sa edad na 27 dahil sa “acute hemorrhagic pancreatitis”. Siya ay isang sikat na aktor at matinee idol noon, isang mahusay na host, modelo, endorser, spokeperson at entrepreneur. Isa rin siyang matagumpay na businessman noon. Sa katunayan ay ito ang kaniyang mga negosyong pagmamay-ari niya noon; Orbitz Pearl Shakes, Java Hut, Buddy Burger, Timbuktu Cafe at “Tequila Joe Grill and Restaurants”.


Ilan naman sa mga nakatambal niya sa industriya ay sina Judy Ann Santos at Claudine Barreto na talaga namang sinubaybayan at hinahangaan ng publiko. March 29, 2002 nang matagpuan siyang wala nang buhay ng kaniyang kaibigan na si Dominic Ochoa sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City, Palawan.


At kahit pa wala na siya ay hindi pa rin nalilimutan ng kaniyang mga mahal sa buhay at mga tagahanga ang kaniyang naiwang mga ala-ala. Sa katunayan ay narito ang ilang mensahe ng mga taong nagmamahal sa yumaong aktor na si Rico Yan:
“Today marks your 44th birthday, Rico. We may have not met in this lifetime yet I am forever grateful for the inspiration you have left before you passed on. We miss the person that you are – most especially that smile which continues to make my heart melt. Happy Birthday, Mr. Dimples.”



“Happy 44th birthday in heaven… Sweet prince! We miss you so much!”

“Happiest birthday, RY! I hope you are happy up there. We love you always, RY, and always remember you.”




error: Content is protected !!