Lubos na humanga ang publiko sa ama na ito na gumawa ng sarili nilang DIY swimming pool dahil wala silang pool sa kanilang bakuran!



Masarap nga naman talaga ang magkaroon ng swimming pool sa ating mga bakuran, lalo na ngayon na grabe ang init ng panahon! Kaso nga lang, napakalaking problema at gastos din ng pagpapatayo ng personal na swimming pool. Tiyak na malaking pera ang ating ilalabas at gagastusin para lamang sa pangarap nating swimming pool kung kaya naman marami ang hindi nakakayanan makapagpundar pa nito pwera na lamang kung ang iyong pamilya ay mayaman at mayroong sapat na pera.


Ngunit ang ama na ito mula sa Curutiba Brazil na nakilala bilang si Jose Franco ay nakaisip ng isang napakaganda at napakawais na ideya upang matupad ang pangarap ng kaniyang mga anak na magkaroon sila ng sarili nilang swimming pool. Gamit ang kaniyang pagiging malikhain at talento sa pagkakarpintero, nakabuo siya ng isang kamangha-manghang “Do-It-Yourself” na pool sa kanilang bakuran.




Gaya ng marami mga bata, matagal nang hiling ng anak ni Jose Franco na magkaroon sila ng backyard pool. At dahil nga wala silang sapat na salapi para maisakatuparan ito, ito na lamang ang ginawa ng kanilang ama. Bumili siya ng mura at simpleng above-ground pool at inayos niya itong mabuti sa kanilang bakuran. Talaga namang hahangaan mo ang kahusayan ng ama na ito sa paggawa ng kanilang DIY na backyard pool!


Tunay ngang hindi matatawaran ang pagmamahal ng ama na ito sa kaniyang pamilya at lalo na sa kaniyang mga anak. Hindi man sila magkaroon ng mamahaling swimming pool ay tiyak na ikaliligaya ng kaniyang mga anak ang ginawa niyang pool na talaga namang pinaghirapan niya ng lubos at pinag-isipan niya ng maigi.



Tiyak na magiging masaya ang summer ng pamilyang ito. Hindi na nila titiisin pa ang grabeng init ng panahon at makakapagtampisaw na sila sa DIY swimming pool na ginawa ng mahal nilang ama sa kanilang bakuran. Kahanga-hangang tunay hindi ba?




error: Content is protected !!