Ang boxing legend nga na si Floyd Mayweather ang kauna-unahang naging pasyente ni Dra. Vicky Belo sa bago nilang teknolohiya sa Belo!



Hindi na lingid sa kaalaman ng maraming mga Pilipino ang pangalan ni Floyd Mayweather na isang sikat, kilala at mahusay na boksingero. Minsan na nga niyang natalo ang ating pambansang kamao ngunit tunay na suportado pa rin ng mga Pilipino ang Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Senador Manny Pacquiao.


Ngunit kamakailan nga lamang ay ikinagulat ng publiko ang pagbisita ni Floyd sa sikat na celebrity doctor ng Pilipinas na si Dra. Vicky Belo. Siya ang naging kauna-unahang pasyente ng celebrity doctor sa bagong gadget ng kaniyang klinika na Belo Medical Group, ang Thermage FLX.




Ayon na rin sa website ng Thermage. Ang sinasabing Thermage system ay kilala bilang isang non-invasive radiofrequency (RF) therapy na nagpapakinis, nagpapaputi, at nakakapagpabata ng balat at tiyak ang pagkakaroon ng “younger looking appearance”. Umaabot lamang ng 30-90 minuto ang nasabing treatment. Nakadepende rin naman ang resulta nito kung saan parte ng katawan ng pasyente ito gagawin.

Nagbahagi din naman sa kaniyang social media account ng patunay si Dra. Belo patungkol sa kilalang personalidad na naging una niyang pasyente sa Thermage System. Ito ang naging caption ng doktora:
“Look who’s our first ever patient for the newest Belo Thermage FLX.. The pound for pound king @floydmayweather.”

Maraming mga netizens ang talaga namang nagulat at namangha na isang bigating boksingero at personalidad pala ang naging pasyente ng ating celebrity doctor na si Dra. Belo.




Si Victoria “Vicki” Gonzalez Belo-Kho o mas kilala bilang Dra. Vicki Belo ay 63 taong gulang na Filipina dermatologist at personalidad sa telebisyon. Tinagurian din siyang celebrity doctor ng marami dahil sa maraming mga artistang nag-eendorso ng kaniyang klinika at mga produktong pangpaganda, pangpakinis at pangpaputi.



Siya ay div0rced na sa kaniyang dating asawa at businessman na si Atom Henares. Biniyayaan sila ng dalawang anak, si Quark Henares na isang Film/music video director at si Cristalle Henares. Taong 2011 nang ipaalam nila sa publiko ang kaniyang engagement sa kaniyang longtime boyfriend na si Hayden Kho. Ngunit taong 2017 lamang ng sila ay naikasal. Mayo 2016 naman ng ipinakilala nila sa publiko ang kanilang anak na si Scarlet Snow-Belo.




error: Content is protected !!