Isang bata sa lansangan, ang nakita ang labis na pagmamahal sa alagang tuta



Sa hirap ng buhay, may mga hindi pinapalad at tanging paglilimos ang ginagawa. Tanging ito lamang ang naiisip nilang paraan upang ma-itawid nila ang kanilang pangaraw-araw. Madalas makita ang mga nanlilimos sa mga kalsada at karaniwan sa kanila ay madudusing ang itsura.


Tunay na nakaka-awa ang klase ng buhay na mayroon sila. Isipin mo na lang kung ikaw ang nasa kalagayan nila. Malalaman mo kung ano ang hirap na nararanasan nila. Masasabi mo din sa sarili mo na mapalad ka dahil maayos ang iyong pamumuhay at nakaka-kain ng tatlong beses sa isang araw.



Nakaka-lungkot isipin na may mga ibang tao na iniiwasan nila ang mga nanlilimos. Kung tutuusin, sa kakarampot na ibibigay mo sa kanila ay laking tuwa na nila ito. At sa bawat makokolekta nilang limos, sila ay makaka-bili ng pagkain para sa sarili o sa pamilya nila.

Pero mas nakaka-bilib pa minsan ay kung sino pa ang wala ay siya pang mapag-bigay sa kapwa. Iyong tipo bang isusubo mo na lang, ibibigay mo pa sa iba. Isang litrato ang nakuhanan sa isang pangyayaring ikina-mangha ng maraming tao. Ito ay litrato ng isang batang lalaki sa lansangan na inaalagaan at pinapa-kain ang alagang aso.

Sa litrato ay makikitang binubuksan ng bata ang gatas na ipapainom sa alagang tuta. Ang pangyayaring ito ay nakuhanan sa Tiamo Hotel and Service Apartment sa bansang Vietnam. Hindi man sigurado kung may bahay na tinutuluyan ang batang lalaki, pero ang mabuti dito ay ipinakita niya sa maraming tao ang pagmamahal niya sa alagang tuta.




Ang kabutihan ng batang lalaki ay nagtuturo sa atin ng maraming aral. Ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa dami ng pera. Ito ang ipinamalas ng batang lalaking ito sa kanyang alagang tuta. Nawa ay pagpalain ang batang ito na nagpakita ng kabutihan sa alagang hayop.





error: Content is protected !!