Ito ang 5th Birthday Party ng bunsong anak nila Manny at Jinkee Pacquiao na ginanap sa isang sikat na Fast-food chain



Ang kaarawan ay ang pinaka-mahalagang araw sa buhay ng isang indibidwal. Dito ay ina-alala ang araw kung kailan nagkaroon ng buhay sa mundo. Bukod sa may kaarawan, labis ding ikinatutuwa ng mga magulang ang araw na ito dahil naaalala din nila ang araw na dumating sa buhay nila ang bunga ng kanilang pagmamahalan.


Kaya ang ibang magulang ay bigay todo sa pagbibigay ng magandang pagdiriwang tuwing sasapit ang kaarawan ng kanilang anak. Pinaghahandaan nila ito at minsan pa nga ay bigay-todo sa pag-gastos. Kung sa bagay, hindi mababayaran ng kahit anong salapi ang kaligayahan na makikita kapag nakitang masaya ang kanilang anak.




Kung tatanungin ang mga bata kung saan nila gustong magdiwang ng kanilang kaarawan, karaniwan sa sagot nila ay mga fast-food-chains katulad ng Jollibee o kaya naman ay McDonalds. Kadalasan sa mga batang nagdiriwang ng kaarawan sa mga kainan na ito ay kapag sasapit ang kanilang 7th Birthday.


Nagugustuhan kasi ng mga bata ang mga pagkain sa mga lugar na ito at kasama na rin ang mga mascot na makikita. Magma-marka din sa isipan ng mga bata na nagdaos sila ng kaarawan sa ganitong lugar.


Katulad na lamang ng 5th birthday party ni Israel Pacquiao. Sa Instagram post ni Jinkee Pacquiao, makikitang idinaos ang kaarawan ng kanilang anak sa Jollibee. Makikita sa mga larawan ang labis na kaligayahan at hindi matatawarang ngiti ng bunsong anak.




Tunay na bingyan ng isang makulay at masayang pagdiriwang ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang bunsong anak.


Ayon sa Instagram post ni Jinkee, ito ang naging caption niya:
“Happy Birthday, my Israel! We love you so much,”

Ang ‘pambansang kamao’ at ang kanyang pamilya ay talagang pinag-pala. Alam naman na natin ang pinag-daanan na hirap ni Manny upang marating at matamasa niya ang buhay niya ngayon. Ikinasal sina Manny at Jinkee noong ika-10 ng Mayo taong 2000 at pinagkalooban sila ng limang anak. Ang panglan nila ay Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel na siyang nagdiwang ng ika-5 kaarawan sa Jollibee.




error: Content is protected !!