Komento ni Lorin Gutierrez sa isang netizen na nagsabi sa kaniyang huwag ipangalandakan ang kaniyang katawan umani ng maraming reaksyon sa publiko!



Napakabilis nga naman ng panahon. Tila kahapon lamang nang ang mga anak ni Ruffa Gutierrez sa dati nitong asawa na si Ylmaz Bektas ay mga maliit at makukulit pang bata. Ngayon ay talaga namang malaki na sila at naggagandahan. At dahil nga sa angkin nilang kagandahan ay nakikilala na rin sila ng publiko.


Ang panganay na anak ni Ruffa ay 15 taong gulang na ngayon. Tulad ng kaniyang ina ay hindi maipagkakaila ang kaniyang angking kagandahan. Aa katunayan ay mayroon siyang 160,000 na followers sa kaniyang Instagram account. At tulad din ng kaniyang ina ay mayroon siyang kahanga-hangang panlasa at istilo sa kaniyang pananamit. Walang duda na mas lalong nabibigyan ng hustisya ang magagandang bahagi ng kaniyang mukha at katawan.




Hindi rin siya nahihiya o natatakot na magpakita ng kaunting balat. Ayon sa dalaga, hindi naman siya pinagbabawalan o pinaghihigpitan ng kaniyang pamilya sa kaniyang pananamit o sa mga kasuotang nais niyang isuot. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng kalayaang gawin ang kaniyang nais na fashion style at fashion sense nang hindi na nag-aalala sa maaaring maging komento ng kaniyang lola at ina na kilala din bilang mga “mom-manager”.


Subalit, hindi lahat ng tao ay sang-ayon sa dalaga. Dahil kamakailan lamang ay mayroong netizen na nagkomento sa larawang ibinahagi ng dalaga sa kaniyang social media account habang siya ay nagbabakasyon sa Thailand. Ito ang naging komento ng netizen tungkol sa bikini photo ni Lorin:
“Itago mo yang katawan mo Iha. Dapat may pinaglalaanan yan na special na ta0. Wag mong ipakalandakan.”


Agad din namang sinagot ito ng dalaga ng isang leksyon tungkol sa kompiyansa sa sarili. At ito ang kaniyang naging komento:
“Girls should be able to choose whether they want to be more conservative or showy depending on what they feel comfortable with. Not for a ‘special na tao’ because that special person, whoever they may be, doesn’t own me and should be ok with me being confident in my own skin.”




Ang komento niyang ito ay sinuportahan ng marami niyang mga tagahanga at tunay ngang nagpapakitang hindi lamang siya maganda sa panglabas na kaanyuan kung hindi maging ang kaniyang ugali rin naman.





error: Content is protected !!