Mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo pinakilig ang marami sa palitan nila ng mensahe sa ika-sampu nilang anibersaryo!



Isang dekada na ang nakakalipas ng magpakasal ang celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nagpalitan sila ng nakakakilig na mga mensahe noong April 28 sa ika-sampung anibersaryo ng kanilang kasal. Talaga namang kinakiligan ang mag-asawa sa palitan nila ng mensahe sa kani-kanilang mga social media account ng maraming mga netizen, fan at kanilang mga taga-suporta.


Sa Instagram ng host at aktor na si Ryan Agoncillo ay nagbahagi ito ng black and white na larawan nilang dalawa na magkayakap sa kanilang kusina. Ginamit niya ang kantang “Where Are You Going” na kinanta ng Dave Matthews Band na nagpahayag ng madamdamin niyang mensahe para sa kaniyang misis.




“I am no Superman, I have no answers for you, I am no hero, oh that’s for sure. But I do know one thing, That’s where you are, Is where I belong, where you go, Is where I want to be,” ito ang naging caption ni Ryan sa ibinahagi niyang larawan. Matapos nito ay nagbahagi din siya ng kanilang larawan na mayroon caption na “ten years later”. Sila ay larawan ng masayang pamilya at pagsasama.


Ang kanilang mga anak na sina Yohan, Lucio at Luna ang naging saksi sa kanilang pagmamahalan. Sinagot naman ng batikang aktres ang kaniyang mister ng mga katagang: “Lovely chaos that I will never change for anything else.” Nagbahagi din naman ng nakakakilig na black and white na larawan si Judy Ann kung saan mahigpit din siyang yakap ng kaniyang mister. “You are my heart, my soul, my life,” ito ang caption ni Juday sa kanilang larawan. Matapos nito ay nagbahagi pa ng isang larawan ang aktres kung saan inilarawan niya ito bilang “Bagets”.


Ikinasal ang dalawa sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas noong April 28, 2009. Isa sila sa mga celebrity couples na talaga namang hinahangaan ng marami at ang iba pa nga ay ginagawa silang inspirasyon hindi lamang sa buhay-mag-asawa kung hindi sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at pag-aalaga sa kanilang kalusugan.






error: Content is protected !!