DILG pinayuhan ang mga Alkalde na ipagbawal ang mga tricycle at pedicab sa mga national highway!



Marami nang mga aksidente at disgrasya ang nangyayari at nababalitaan natin sa araw-araw. Labis na nakababahala ang mga pangyayaring ito lalo na kung mayroong mga buhay na naisasaalang-alang. Dapat nga bang ipagbawal ang mga tricycle at pedicab sa mga national highway? Yan din ang nais ipanukala ng Department of Interior and Local Government. DILG officer-in-charge na si Eduardo Año ay nagpatawag ng pagpupulong sa mga alkalde ng Metro Manila at mga karatig probinsiya upang tuluyan nang ipagbawal ang mga nasabing sasakyan sa mga national highway dahil na rin sa usaping pangkaligtasan.


Dahil na rin ito sa maraming mga ulat at insidente patungkol sa mga operasyon ng mga nasabing sasakyan sa mga ipinagbabawal na ruta.
“For safety reasons, no tricycle or pedicab should operate on national highways utilized by four-wheel vehicles greater than four tons and where normal speed exceeds 40kph,” pahayag ni Año sa isang news release.



Dagdag pa niya, kahit pangkabuhayan ang dahilan ng marami sa mga tricycle at pedicab na dumaraan sa mga national highway ay hindi pa rin aniya ito dahilan upang hayaan silang maging road hazards. Ayon din sa kaniya, ang pagbabawal sa mga sasakyan ito ay makabubuti sa kapakanan ng maraming mga tao.

Marapat din lamang na sundin ng mga lokal na otoridad ang Memorandum Circular 2007-01 kung saan ipinagbabawal ang anumang operasyon ng mga pedicab at tricycle sa national highway at hindi rin maaaring magsakay o maglulan ang mga sasakyang ito ng anumang bagay na higit sa kaya nilang isakay.




Tunay ngang dapat talagang pagtuunan ng pansin ng ating mga lokal na otoridad ang pagpapatupad ng nasabing batas. Dahil wala din namang ibang makikinabang dito kundi ang mga mamamayang Pilipino. Mas makakatiyak ang maraming mga Pilipino na mas magiging ligtas ang kanilang mga anak, pamilya at maging ang kanilang mga sarili kung mas magiging maingat ang bawat isa at sila ay susunod sa mga batas na ipinapanukala sa ating bansa.






error: Content is protected !!