Isang Bikolana na walang sapatos ang nag-uwi ng gintong medalya sa Palarong Pambansa!

Hindi alintana ng runner na si Lheslie De Lima ang kaniyang mga paa na walang pangyapak o sapatos ng siya ay lumahok sa Palarong Pambansa. Aanhin mo nga naman ang sapatos kung ang gintong medalya ay naghihintay na sa iyo sa finish line. At nagwagi nga siya ng gintong medalya sa “secondary girls 3,000-meter title noong ika-29 ng Abril 2019 sa Palarong Pambansa na ginanap sa Davao City.


Mula so De Lima sa Bicol Region at siya ay tumakbo nang may “plaster” sa kaniyang mga paa. Hindi ito dahil sa wala siyang maisuot na sapatos o wala siyang pera na pangbili nito dahil sa mas komportable siyang tumakbo ng nakapaa. Nakakabilib hindi ba? Ito ang naging pahayag niya sa isa sa kaniyang mga panayam:
“I’m fine running without shoes, I’ll try my best to win two or more gold medals.”


Pinilit daw siya ng kaniyang coach na magsuot ng sapatos ngunit hindi siya pumayag dahil sa mabigat diumano ito. Ang Grade 9 na estudyanteng ito mula sa Baao National High School ay nanalo na rin sa nasabing event noong nakaraang taon. Dagdag pa niyang sanay diumano siyang magsanay ng nakapaa.

Natapos niya ang karera ng 10 minuto at 22.42 segundo at nagkamit ng gintong medalya. Matapos naman ang sampung segundo ay ang kaniyang kasunod.  “Kinabahan po ako pero binigay ko na lahat. Saka binilang ko na po ‘yung ikot ko,” paglalarawan niya sa nakaraang laban niya.


“I just keep on training because the Palaro is a different level of competition,” dagdag pa ng dalaga. Talaga namang hinahangaan ng marami ang kaniyang dedikasyon at pagmamahal sa larangang kaniyang nakahiligan. Tunay ngang wala sa mahal ng sapatos o di kaya naman ay mahal na mga materyal na bagay ang tagumpay ng isang tao. Ito ay nasa dedikasyon, tiyaga at pagsusumikap. Ang suporta ng mga mahal sa buhay at matatag na pananampalataya sa Diyos ay mabisa ring sandata sa mga ganitong uri ng hamon ng buhay.



Reply

error: Content is protected !!