Kilalanin natin ang 66 na taong gulang na Lolo na isang mahusay na gamer



Karaniwan sa mga matatanda ay mahirap turuan ng mga makabagong teknolohiya katulad ng paggamit ng mga smartphones at paggamit ng mga computer. Madalas sinasabi ng mga matatanda na mahirap na sa kanila na intindihin ito. Pero hindi naman lahat ng matatanda ay sinasarado ang kanilang sarili na matuto. Sa katunayan, maraming mga lolo at lola na aktibo din sa paggamit ng social media bilang libangan na rin.



Madalas din nating maisip na ang madalas na ginagawa ng mga matatanda ay ang pagbabasa ng dyaryo, pagsagot ng mga crossword puzzles habang nagkakape, pagtatanim, at umuupo sa tumba-tumba habang nanunuod ng telebisyon.




Pero may isang Lolo na hindi mo lubos akalain na isang libangan niya ay maglaro ng Online Games sa Computer. Kilalanin natin si Lolo na dating Navy diver na may pangalan sa handle na ‘GrndPaGaming’. Ang mga livestream ng kanyang mga laro ay makikita sa Twitch.




Matutuwa ka dahil 66 na taong gulang na si Lolo. Nakaka-mangha din ang galing niya sa laro. Sa pananalita niya ay napaka-‘cool’ ng kanyang datingan at para bang bagets ang galawan.



Si Lolo ay naglingkod sa Navy ng 20 taon at apat na buwan. Marahil ito ang naging dahilan sa kagalingan niya sa paglalaro ng mga online games. Bukod pa sa paglalaro ng online games, ilan pa sa hilig niya ay pagluluto, astronomy at magkolekta ng mga sea shells.



Ito ang sinabi ni GrndPaGaming:
“I retired as a Navy Diver in 1992. Married twice, I have a daughter and two grandchildren. I am an amateur astronomer and I collect sea shells from all over the world. I also love to cook,”

Marami naring followers si Lolo dahil sa galing niya sa paglalaro.
Ayon ulat ng LAD Bible:
“Some of the games he enjoys playing include Fallout 4, Armored Warfare, World of Warships, World of Tanks, The Witcher 3, Battlefield 1, 2, 3 & 4, League of Legends, Doom and The Division, but lately he’s been brought to everyone’s attention for his skills on Apex Legends, the free-to-play battle royale game from Respawn Entertainment,”



Nakaka-tuwang isipin na kahit matanda si Lolo, naisipan niyang mahiligan ang paglalaro ng mga PC Games. Gayon pa man, dahil matanda na siya, minsan ay nahihirapan siyang manalo sa laro kumpara sa mga kabataan na talagang mabibilis mag-isip at magaling sa diskarte. Pero kung mapapanuod mo siya, siguradong mabibilib ka rin sa kagalingan niya.





error: Content is protected !!