Larawan ni Ellen Adarna habang nagbabakasyon sa Bali, umani ng maraming komento sa netizens!



Hindi lingid sa kaalaman ng marami na maraming nagiging pagbabago sa katawan ng isang babae lalo na matapos nitong magdalang-tao at makapanganak. Mayroong mga babae na nakakaranasan na malagasan ng buhok, samantalang ang iba naman ay nakararanas ng maraming mga pagbabago sa kanilang pangangatawan. Karamihan pa mga ay hindi na naibabalik pa ang dating balingkinitan nilang katawan.



Ngunit kamakailan nga lamang ay nasorpresa ang maraming mga netizen at tagahanga ng aktres na si Ellen Adarna. Bagamat nilisan nila ng kaparehang si John Lloyd Cruz ang ningning ng show business noong mga nakaraang taon ay hindi maipagkakailang walang nagbago sa kaniyang angking kagandahan at ka-sexyhan.


Sinong magsasabing mayroon na siyang anak sa larawang ibinahagi ng kaniyang kaibagan sa kaniyang social media account. Mayroon din itong caption na “Welcome back mama!”.


Umani nga ito nga maraming mga positibong komento at papuri mula sa mga netizen. Mayroong mga nainggit sa post-partum body ng aktres at mayroon din namang mga netizen na nakakuha ng panibagong inspirasyon at pag-asa sa bagong ina.



Ito rin naman ang naging kompirmasyon ng publiko na maayos at masaya ang relasyon nina Ellen Adarna at aktor na si John Lloyd Cruz sa kanilang bakasyon sa Bali, Indonesia. Ilang linggo na ang nakalilipas ng kumalat ang mga espekulasyon na hiwalay na ang dalawa. Maaalalang nagkaroon ng indefinite leave sa showbiz ang dalawa dahil sa personal nilang kadahilanan. Sinasabing ika-27 ng Hunyo taong 2018.

Tunay ngang maituturing natin na biyaya ang pagiging isang ina. Ngunit hindi naman din ito nangangahulugan na pababayaan mo na lamang ang iyong sarili. Hindi dapat natin kalimutan na bilang mga ina at ilaw ng tahanan ay nararapat din namang mahalin at pangalagaan natin ang ating sarili lalo na ang ating kalusugan upang mas maging handa tayo na asikasuhin at pagsilbihan ang ating mga anak at mahal sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

Ellen Adarna with son Elias ? Mika Adarna

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on






error: Content is protected !!