Nagreklamo ang isang 62 taong gulang na ina sa ginagawa sa kanya ng mga anak, dahil sa away na pinagmulan ay Sushi



Ang hirap tumira sa isang bahay kung ang samahan ay hindi matibay. Lalo na kung puro galit at poot ang nararamdaman, masasabing hindi ito tahanan. Kaya mas mainam kung maayos at mabuo ulit ang samahan upang mabuo ulit ang pagmamahalan ng bawat isa.



Lumapit ang isang 62 taong gulang na babae kay Raffy Tulfo upang humingi ng tulong sa nangyari sa kanyang pamilya. Si Maria Magdalena Austria ay sumangguni sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang dalawa niyang anak na babae na pinag-kakaitan ng karapatan sa bahay.


Ayon kay Nanay Maria, nagsimula ito noong mayroon siyang pamangkin na may asawang British na nais bumisita sa kanilang bahay. Lubos na ipinagmalaki ni Nanay Maria na isang HRM graduate ang kanyang anak at maipag-hahanda ng nais makain.


Kaya naman tinanong ni Nanay Maria kung ano ang gusto at Sushi ang sinabi. Kaya naman lubos na ipinagmalaki ni Nanay Maria na kayang-kaya ng kanyang anak na gumawa ng sushi dahil marunong ito.



Pero ito ay nagdulot ng inis sa kanyang mga anak. Sinabi ng mga anak na mahal ang pag-gawa ng sushi at ang pakiramdam ng mga anak ay niyayabang ng ina ang narating ng mga anak. Dito sila nagsimulang magtalo at magka-galit.

Dahil sa nangyari, naging masikip na ang lugar ng kanilang bahay. Lalong lalo na noong nagtanong si Nanay Maria kung bakit wala siyang internet. Dahil hindi sumasagot ang anak, sinampal niya ito at bumawi ang anak at sinampal ng may tsinelas ang ina. Ayon kay Nanay Maria, tanging kwarto lamang niya ang pwede niyang pag-lagian. Hindi rin siya pwedeng magbukas ng ref.



Kagustuhan ni Nanay Maria na magka-ayos sila ng kanyang dalawang anak kaya lumapit kay Raffy Tulfo at kung hindi sila papayag na magka-ayos, umalis na lang daw sila sa kanilang bahay. Nainis si Raffy Tulfo dahil ang mga anak pa ni Nanay Maria ang nagbibigay ng mga kondisyon na hindi naman daw dapat.

Sa paghaharap sa barangay, imbis na magka-ayos ay hindi pa rin naging maganda ang kanilang pag-uusap.




error: Content is protected !!