12 Toneladang balat ng Orange ang itinatapon ng isang kumpanya ng juice sa isang ‘Lifeléss’ na lupa! Sa paglipas ng 16 na taon, naging magandang kagubatan!



Nag-iisa lang ang ating mundo kaya naman dapat natin itong ingatan. Isipin mo na lang ang mga tinatapon mong basura kung ano ang nagiging epekto nito sa ating kalikasan. Paano na lamang kung wala ng puno sa ating mundo? Paano na lamang kung wala ng malinis na tubig para sa atin? Kaya habang maaga pa lamang ay dapat mag-isip na kung paano makaka-tulong upang maalagaan ang ating nag-iisang mundo.


Isa sa mga magagandang halimbawa ay ang pagiisip ng magandang paraan upang buhayin muli ang mga lupang walang buhay. Ito ang mga tipong lupa na hindi na tinutubuan ng halaman at puno.




Nagsimula ito sa isang kasunduan sa pagitan ng isang Fruit Juice na kumpanya at ng isang national park. Ang layunin ng proyektong ito ay para buhayin ang isang malawak na lupain hindi na tinutubuan ng halaman at puno.


Taong 1997 ng may dalawang ecologists mula sa Unibersidad ng Pennsylvania ang nakipag-tulungan sa isang Fruit Juice Company na ang pangalan ay Del Oro. Ang kumpanyang ito ay sa bansang Costa Rica at may nagmamay-ari din ng lupain sa tabi ng Guanacaste Conservation Area na isang national park. Kaya napagkasunduan nilang gawin ang proyekto kung saan ay itatapon ang mga balat ng mga orange sa lugar kung saan ay walang buhay ang lupa. Sa layuning ito ay nais nilang muling mabuhay at magkaroon ng puno ang lupa.


Hindi naging madali ang proyektong ito dahil sa takot ng masamang epekto ng nabubulok na balat ng orange. Ang kumpanyang Del Oro ay hindi gumagamit ng mga pesticides o insecticides. Karaniwan sa mga itinatapon ay mga balat ng Orange at mga orange pulp. Alam naman natin na nakaka-tulong sa lupa ang mga nabubulok at isa ang orange na biodegradable.




Pero natigil ito ng kinontra ito ng TicoFrut, isang kumpanya din ng Juice, dahil mapanganib daw ito at higit sa lahat ay hindi patas para sa kanila dahil sila ay mayroong ‘waste-processing facility’. Ang pagka-inggit nila ay nagresulta ng pagtigil ng pagtatapon ng De Oro ng balat ng orange. Ito ay napag-desisyonan ng Supreme Court.



Sa proyektong isinagawa, 12,000 toneladang balat at pulp ng orange ang naitapon sa tatlong hektaryang lupa. Kahit na natigil ito, nagbunga din ang kanilang proyekto.




Taong 2013, 16 na taon ang nakakalipas sa proyekto. Si Timothy Treuwer na isang graduate student ng Princeton ang naghahanap ng topic, at kakilala din ang mga orihinal na ecologists ng ACG – Del Oro na Proyekto, ang nag follow-up sa nangyari sa isinagawang proyekto.

Kaya naman siya ay pumunta ng Costa Rica upang tignan. Laking gulat niya nang makita niya ang pagbabago.


Ayon kay Timothy Treuwer:
“It was so completely overgrown with trees and vines that I couldn’t even see the 7-foot-long sign with bright yellow lettering marking the site that was only a few feet from the road,”
Idinagdag pa niya:
“I knew we needed to come up with some really robust metrics to quantify exactly what was happening and to back up this eye-test, which was showing up at this place and realizing visually how stunning the difference was between fertilized and unfertilized areas.”




error: Content is protected !!