Hindi akalain ng lalaki na ito na maisasauli pa sa kaniya ng isang batang lansangan ang nahulog niyang pera!



Minsan sa buhay, kung sino pa ang mga walang kakayahan sa buhay ay siya pang mayroong matinding malasakit sa mga tao sa kanilang paligid, mga taong sadyang matapat lalo na sa pagsasauli ng mga gamit ng ibang tao dahil sa alam nila ang pakiramdam na mawalan ng bagay na mahalaga sa kanila at hindi na naibabalik pa.



Halimbawa na lamang ang lalaki na ito na hindi namalayang nalalaglag na pala ang kaniyang pera. Ayon kay Dindo Lorenzo, bandang ala-una ng madaling araw ng napadaan siya sa McDonald’s Sta. Maria. Habang kinukuha niya ang kaniyang cellphone ay hindi niya namalayang nalaglagan na pala siya ng pitong libong piso. Ang nasabing salapi ay nasa malulutong pa na isang libong piso ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin niya namalayan na nalaglag niya ang mga ito.

Nasa loob na siya ng nasabing establisyemento ng may biglang tumawag at humabol sa kaniyang bata at nagsauli ng kaniyang pera. Dahil sa napag-alaman niyang ang bata ay nakatira sa lansangan, nakatitiyak siyang ang pera na sinauli nito ay malaking halaga na para sa kaniya. Ngunit sa halip na sarilinin niya ang pera na kaniyang napulot ay isinauli niya ito sa tunay na nagmamay-ari nito.

Ikinabigla ito ni Dindo at hindi niya inaasahang ganito ang gagawin ng batang lalaki sa napulot niyang pera. Ibinibili niya diumano ng pagkain ang kaniyang pamilya nung mga panahong iyon, inalok din niya ng pagkain ang bata ngunit sinabi nitong kakain lamang niya. Nang bigyan naman ng pera ni Dindo ang bata ay napaluha ito at naiyak dahil sa magiging malaking tulong diumano ito sa kaniyang ina na mayroong karamdaman. Ayon din sa bata, kahit pa walang trabaho ang kaniyang ama at may sakit ang kaniyang ina ay hindi pa rin niya pinag-interesan ang nahulog na pera ni Dindo dahil sa pinalaki siyang maayos ng kaniyang ina.




Kalaunan ay nakilala ang bata bilang si Andrey Macabuhay na ginantimpalaan ng iskolarsyip dahil sa kaniyang mabuti at kahanga-hangang nagawa!





error: Content is protected !!