Makalipas ang ilang taon ay napalitan na ang patakaran ni Judy Ann Santos-Agoncillo tungkol sa paggamit ng kaniyang mga anak ng kani-kanilang gadget!



Posible na nga bang maging “gadget-free” ang mga kabataan sa panahon ngayon? Sa ngayon na usong-uso na ang modernong teknolohiya at laganap na rin ang pagganap ng iba’t-ibang social media application. Ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay batid na hindi na mawawala sa mga kabataan ngayon ang paggamit ng mga laptop, tablet at cellphone kung kaya naman sa halip na pagbawalan nila ang mga ito ay tinuturuan na lamang nila ang mga ito ng tamang paggamit ng kanilang mga gadget.


Taong 2016 nang pahintulutan ng mag-asawa sina Yohan at Lucho na gumamit ng iPad para sa kanilang research. Ito ang naging pahayag ng aktres na si Judy Ann sa kaniyang panayam sa PEP.
“Hindi puwedeng mag-games, hindi puwedeng mag-YouTube, nothing. So they always research on something and they have to learn something from that research.”



Sa kasalukuyang taon ay medyo naiba na ang patakaran nila sa kanilang tahanan. Dahil sa walong taong gulang na si Lucho ay maaari na siyang manuod ng mga video ng soccer o di kaya naman ay mga nakakatuwang videos. Ayon pa sa batikang aktres, alam niya ang mga sites na pinanonooran ng kaniyang mga anak dahil sa nirereview niya ang mga history ng mga ito sa kani-kanilang gadget.


Dagdag pa ng aktres ay pinapayagan niyang makagamit ng gadget ang anak niyang si Luna dalawang oras kada araw ngunit sinisigurado pa din naman niyang may mga ginagawa pa rin si Luna na mga gawaing hindi na kailangan pa ng gadget. Narito ang pahayag ng aktres:




“With Luna, one hour in the morning, one hour in the afternoon. Naka-filter yung YouTube Kids. But in between those hours, she needs to complete a task in a writing booklet or reading booklet. Basta hindi tablet. Dapat may iba siyang activity ginagawa na hindi konektado sa gadget at all. It’s either I bring her to the kitchen, tulungan niya ako magluto. Punta kami sa dollhouse niya o mag-trampoline kami. Basta something hindi talaga konektado.”





error: Content is protected !!