Nagbahagi si Coco Martin ng misteryosong mensahe para sa kaniyang mga basher!



Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang isyung kinauugnayan nina Julia Montes at Coco Martin kung saan diumano’y nanganak na ang aktres at ang ama nito ay ang nasabing aktor. Naging usap-usapan ang patutsada ng mga “showbiz insider” patungkol sa diumano’y aktres na kunwaring nasa ibang bansa ngunit ang totoo ay nanganak na pala sa San Juan.



Marami ang nagkomento na ito nga diumano ang aktres na si Julia Montes dahil nang matapos na ang kaniyang programa sa ABS-CBN na Asintado ay hindi na ito muling nakita pa sa harap ng kamera. Ngunit sinasabi nang marami na nagbakasyon diumano ang aktres sa bansang Germany kung nasaan ang kaniyang ama at pamilya nito.


Kumalat din naman ang ilang larawan ng aktres kasama ang diumano’y anak nila ng direktor at aktor ng “FPJ’s: Ang Probinsiyano” si Coco Martin. Wala pang kompirmasyon mula sa dalawang kampo. Sa kabila nito ay samu’t-saring mga komento at reaksyon ang nakukuha nina Julia, at Coco mula sa publiko. Hindi na maipagkakailang marami ang apektado sa nasabing isyu. Dahil sa mga hindi magagandang salita at komentong naririnig, nababasa at nababalitaan ni Coco ay nagpahayag na ito ng ilang komento sa kaniyang social media.



Una na rito ang kaniyang post na umani ng maraming reaksyon at komento mula sa mga netizen. Narito ang kaniyang pahayag: “Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan may kanya kanya tayong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!”


Kamakailan lamang ay nagbahagi muli ng isang larawan ang aktor sa kaniyang social media account na ang nilalaman ay tila pasaring niya sa mga bashers niya:
“I’m too old to worry about who likes me and who dislikes me. I have more important things to do. If you love me, I love you.


If you support me, I support you. If you hate me, I don’t care. Life goes on with or without you.”






error: Content is protected !!