Silipin natin ang Casa Esperanza, ang napakagandang farm ni Zsa Zsa Padilla at ni Conrad Onglao!



Si Zsa Zsa Padilla ay isang sikat na mang-aawit at aktres sa Pilipinas. Esperanza Padilla ang kaniyang tunay na pangalan at siya ay 54 na taong gulang na. Siya ay isa ring songwriter, commercial model, product endorser, businesswoman, at music producer. Siya ang naging kapareha ng Comedy King na si Dolphy sa loob ng 20 taon. Mayroon siyang dalawang anak, si Karylle Tatlonghari na kilala ring mang-aawit at host ng “It’s Showtime” sa dati niyang asawa na si Modesto Tatlonghari at si Zia Quizon na anak niya sa batikang komedyante na si Dolphy.


Kamakailan lamang ay namangha ang maraming mga tagahanga at tagasuporta ni Zsa Zsa ng ipakita niya sa kaniyang social media account ang kanilang farm sa Lucban. Ayon sa Divine Diva nais na niyang magkaroon ng farm noon pa man.




“I think a lot of artists like that, di ba? Parang balance in our world?” ito ang naging pahayag niya noon sa kaniyang pocket conference para sa “Totally Zsa Zsa concert” niya noong Abril 12. “You would always hear yung mga artists natin, especially kung malapit na sila sa retirement, they venture into farming. They want to be close to Earth.” Dagdag pa niya.


March 2018 pa lang noon nang pinagtulungan nila ng kaniyang fiancé na si Conrad Onglao ang pagtatayo ng kanilang magiging farmhouse sa Lucban, Quezon. Tinawag nila itong “Casa Esperanza”, na tunay na pangalan ni Zsa Zsa. Ito ay may kabuuang 1.9 ektarya ng lupa.



Nang tinanong siya ng PEP kung bakit sa Lucban sila nagplanong magtayo ng farmhouse, ito ang kaniyang sinagot:
“I first went there nung namatay yung sister-in-law ni Conrad. So, nagpunta kami sa lamay and then sa libing. Sabi ko, ‘Ang ganda dito. It’s so green and lush!’ Because it rains a lot. Ang summer sa Lucban is only one month. Ngayon tag-ulan na, pero mainit pa rin. Pero umuulan na.”


50 porsiyento na ang pagkakagawa sa Casa Esperanza, ngunit kahit nasa kalahati na ito ay wala pa ring bahay na itinatayo rito. Plano rin nila na gawin itong “bed and breakfast destination”. Ngunit hanggang hindi pa tapos ang konstruksyon nito ay masaya muna nilang ineenjoy ang kanilang pagtatanim, pag-ani at pagiging hands-on sa kanilang farm house.





error: Content is protected !!