Isang estudyante nagbenta ng mga ulam online para makapagbayad ng matrikula at makapagmartsa sa kaniyang pagtatapos!



Tunay ngang mahirap ang buhay. Ngunit kahit gaano pa kahirap ang buhay ay marami pa ring mga taong nagsusumikap na makamit ang kani-kanilang mga ninanais sa buhay hindi lamang para sa pansarili nilang kapakanan bagkus maging sa ikagiginhawa ng kanilang pamilya.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwento ng estudyanteng ito na si Hans Steve Nieva. Kung saan ang profile picture ay nakasuot siya ng toga ngunit wala pa siyang kasiguraduhan kung makakapagmartsa siya dahil sa balanse niya sa kanilang eskwelahan. Ginawan ito ng paraan ng estudyante at nagpost ng Tweet kung saan nagbebenta siya ng ulam upang makalikom ng salapi para sa kaniyang balanse sa kaniyang matrikula.




Narito ang post ni Hans:
“Bili kayo, guys, pandagdag lang sa tuition ko. It’s really big help for me. Maraming salamat po.” Siya ay nag-aalok ng mga ulam na Bicol Express at pinangat na Laing. Ito ay may halagang 150 piso kada isang ulam na tiyak na magiging malaking tulong para sa kaniyang problema sa kaniyang matrikula.


“Selling: Pinangat na laing and Bicol Express for P150. Lahat ng bibili is also a big help for me para makabayad ako ng tuition and para makapagmartsa ako sa PICC,” ito ang pahayag ng mag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran.


Marami ang naantig sa kwento ng estudyanteng ito na mayroon pang 30,000 na halaga ng balanse sa kaniyang eskwelahan. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 5,000 retweets at lampas sa 7,500 favorites ang nasabing post.


Marami naman ang nagalak sa naging resulta ng kaniyang post at ito ang kaniyang naging pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kaniya:
“Lahat po ng orders na ide-deliver by Monday ‘di ko po made-deliver kasi po graduation practice ko po. Maraming, maraming salamat po sa mga tumulong at sumuporta na abutin ang aking mga pangarap. Thank you Lord. #PICCReady.”





error: Content is protected !!