Makalipas ang 20 taon ay muli na namang nagkasama-sama ang “Charlie’s Angels”!



Ang sikat at kilala nang marami na Charlie’s Angels ay muling nagkasama-sama makalipas ang mahabang taon na hindi sila nakikitang magkakasama sa harapan ng kamera. Kamakailan lamang ay nagkitang muli ang trio na sina Lucy Liu, Drew Barrymore, at Cameron Diaz sa “Hollywood Walk of Fame ceremony” ni Liu. Ang pagdiriwang na ito ay naging maliit na reunion ng tatlo. Nitong nakaraang Mayo 1 lamang ng itinampok si Liu sa “Hollywood Walk of Fame ceremony”.


Sinamahan naman ninan Drew at Cameron ang kanilang kaibigan. Masaya namang nakuhanan ng mga larawan ang tatlo at todo pose din sila sa harapan ng mga kamera para sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Sinamahan din sila ni Demi Moore na dating “Angel” ngunit kalaunan ay naging kalaban din nila sa sequel ng kanilang palabas taong 2003.




Labis namang nagpasalamat si Liu sa kaniyang mga kaibigan na sinamahan siya sa nakakatuwang pagdiriwang ng kanilang kaibigan. Narito ang pahayag ni Liu:
“Charlie’s Angels reunion! 20 years ago we were forming an elite fighting team. Thanks to @DrewBarrymore and @CameronDiaz for always being my angels.”


Narito naman ang naging pahayag ni Barrymore:
“20 years of this tripod! We love each other and support each other. Always will. Congratulations to our girl and her star on the walk of fame.”


At ito naman ang naging pahayag ni Barrymore:
“Congrats Lucy! You truly are a (star). Loved honoring you today. Angels forever.”


Ang nasabing reunion ay nauna na sa sinasabing Charlie’s Angels reboot na ididirek ni Elizabeth Banks kasama sina Kristen Stewart, Naomi Scott, Ella Balinska, Noah Centineo at Djimon Hounsou. Nakakatuwang malaman na matapos ang maraming taon ay nananatiling masaya at magkaibigan ang dating mga magkatrabaho na ito. Bagamat masasabing naging mga sikat at matagumpay na sila sa buhay at sa kanilang karera ay hindi pa rin sila nakakalimot sa mga bagay na kanilang pinagdaanan at sa mga taong kanilang nakasalamuha.




error: Content is protected !!