Isang Amerikano, pinakasalan ang isang OFW na pinay dahil sa pagkaka-kilala nila sa Online Games



Isang OFW na Pinay ang nakatagpo ng kanyang kabiyak dahil sa paglalaro ng Online Games. Nakaka-tuwang isipin na sa pamamagitan ng paglalaro ng Online Games ay makikilala nila ang isa’t-isa upang maramdaman ang salitang pagmamahal.


Ang pagiging isang OFW ay hindi birong trabaho. Kasama dito ang hirap na malayo sa pamilya at pakikisama sa mga ibang lahi. Lalong-lalo na kung mapuntahang bansa ay middle-east. Marami ng mga kwento tungkol sa mga pagmamalupit ng mga amo sa mga OFW’s nating mga kababayan. Kaya naman masasabing sugal ang pagta-trabaho sa mga lugar na ito




Si Samra na dating isang OFW sa Saudi ay may kakaibang kwento ng pag-ibig. Dahil karaniwan sa mga OFW ay walang day-off, ginagawa niyang libangan ay paglalaro ng Online Games o iyong tinatawag na ‘role-playing games’ o RPG.


Dahil sa kahirapan ay minabuti ni Samra na maging OFW upang subukan guminhawa sa buhay. Pero katulad ng ibang mga nagtatrabaho sa lugar na iyon, matinding hirap din ang naranasan niya. Kaya ginagawa na lamang niya upang malibang ay maglaro ng RPG na laro. Taga Maguindanao si Samra at isang Muslim. Minsan sa paglalaro niya, siya ay nakatalo ng isang magaling na manlalaro. Isang ‘pro-gamer’ na ang pangalan ay Triston Wallin na taga-Las Vegas, Nevada. Sa pagkatalo ni Tristan ay naging interesado siya sa tumalo sa kanya dahil isa itong babae.



Dito nagsimula ang kanilang pag-uusap at nagresulta na rin sa pagka-gusto ni Tristan kay Samra. Sa pagkakataong ito ay kinuha ni Tristan ang kanyang Facebook Account upang lubusang makilala. Hindi nagtagal ay niligawan na ni Tristan si Samra.


Sa unang pagkakataon ay binasted ito ni Samra dahil hindi pa daw siya handa at dahil galing pa siya sa isang hindi magandang relasyon. Pero masigasig si Tristan at hindi tumigil upang patunayan ang kanyang pagmamahal sa dalaga. At nagtagumpay si Tristan upang maging nobya ang dalaga kahit na sa online lang.



Hindi rin nagtagal ay inaya ni Tristan si Samra na magpa-kasal. Siya ay nag-propose sa pamamagitan ng video call kay Samra. Buong kilig naman sinagot ni Samra ng “oo” ang alok sa kanya ni Tristan.


Ilang buwan lang ay bumiyahe si Tristan papuntang Pilipinas upang pakasalan si Samra. Dahil Muslim si Samra, si Tristan ay kinailangan maging Muslim din. Lahat ng sakripisyo ay ginawan ni Tristan upang mapatunayan ang wagas niyang pagmamahal kay Samra.