Julia Barreto pinagtawanan lang habang sinubukang mag-audition sa Darna!



Ipinahayag ng sikat na aktres na si Julia Barreto na nag-audition na siya sa role bilang Darna. Hindi rin lingid sa kaalaman ng publiko na kaniyang interes sa nasabing role kung kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinubukan na niyang mag-audition.



Ang “Between Maybes” star ay nagmamadaling maglakad patungo sa audition room, sabi ni Julia sa kaniyang staff: “Darna daw. Tara, bilis, baka it’s too late.” Kumaway naman siya sa mga tao roon at sinabing mag-aaudition lang siya. Bumungad naman sa aktres ang tuwa at galak ng mga auditioning panel. Nagpakilala siya at sinabing:
“Hello po. Nandito po ako para sa auditions for Darna. Ano po ba ang requirements?”


Isa sa mga panel ang sumagot at nagsabing “Naka-white, tamang-tama. Naka-pony, tamang-tama. Eksaktong-eksakto. Pabiro namang sagot ni Julia:
“Ano po ang kailangan, maghubad po ba ako?” Bagamat napansin ng marami na tila katuwaan lamang ang pagnanais ng aktres na mag-audition ay nagsabi ito ng komento patungkol sa kaniyang naging karanasan at kaniyang sinabi: “Hindi nila ako sineryoso.”


Dagdag pa ng aktres: “Sabi ko nga, “Maghuhubad na ba ako? Kasi ready na ako. Wala, tinawanan lang nila ako. Baka ayaw nila.” Natawa na lamang ang aktres at nagsabing batid niya ang kritisismo sa kaniya sa pagnanais niya sa nasabing role. Minsan nang nagpahayag ng interes si Julia sa nasabing iconic role, ayon pa nga dito gagawin niya ito at mag-aaudition kung mayroon man at kahit pa magsuot siya ng pangloob na mga damit lamang ay ayos lang sa kaniya.




Sa kabilang banda ay pinaka-aabangan naman ang tambalan ninan Gerald Anderson at Julia Barreto sa kanilang pelikula na “Between Maybes” na mula sa Black Sheep Productions, na siya ring maker ng blockbuster na pelikula ng LizQuen na “Alone/Together”.

Ang kaniyang karakter sa pelikula ay si “Hazel” na ayon sa dalaga ay katulad ng karanasang pinagdaraanan niya ngayon. Si Hazel ay isang aktres na nais makahinga sa gulo ng industriyang kaniyang kinabibilangan at natagpuan niya ang kaniyang sarili sa remote na fishing town sa bansang Japan.