Kasamang naglalaro ang anak na may karamdaman, sa may hukay na ginawa ng kanyang ama



Lahat ay kayang gawin ng isang magulang para sa kanyang anak. Kahit mapagod at mahirapan pa, lahat ay iaalay upang maging mabuti at maayos ang paglaki ng kanilang mga anak. Ganyan magmahal ang isang magulang! Hindi maka-sarili bagkus handang i-alay lahat para sa ikaka-buti ng kanilang anak.



Ngunit isang malaking dagok sa mga magulang na malaman na may karamdaman ang isinilang na anak. Alam natin na kapag may karamdaman, kinakailangan ng gamutan, at kung kailangan ng gamutan, kinakailangan naman ng pera. Sinasabi nila, walang pagsubok na hindi kayang lampasan. Pero paano kapag wala na talagang solusyon ang problema?

Katulad na lamang ng isang ama na hinanda na ang magiging huling hantungan ng kanyang anak. Ang bata ay si Zhang Xin Lei na may edad na dalawa at kalahating taon. Noong dalawang buwan pa lamang ang batang ito ay nakita na mayroon siyang malubhang sakit sa dugo. Nagmula ito sa Thalassemia, ginagawa nitong abnormal ang hemoglobin sa katawan.



Malaki na ang ginastos nila sa gamutan ng kanilang anak. Umabot na ito ng tumatayang 100,000 Yuan. Pero dahil sa kahirapan ay hindi na rin nila alam kung paano maipag-papatuloy ang gamutan ng kanilang anak. Ang mga nagastos sa gamutan ay karamihan ay tulong sa ibang tao na rin.


Malungkot man pero handa na rin ang mga magulang na darating ang araw na baka kunin na sa kanila ang kanilang anak. Kaya minabuti ng kanyang ama na humukay na ng lupa na paglilibingan ng kanyang anak.

Makikita na kasama ng ama na naglalaro ang anak sa hukay. Mapapansin din na sila ay nahihiga sa hukay habang tinatapik ang anak. Napaka-sakit makita ang pangyayaring ito lalong-lalo na kung isa kang magulang. Sana ay magkaroon ng milagro at maging mabuti ang kalagayan ni Zhang Xin Lei. Sana ay may mga mabubuting tao na tumulong sa gamutan ng kawawang batang ito.




error: Content is protected !!