Nireklamo ng isang misis ang asawang may kabit na 22 anyos na madalas niyang makita sa tapat ng kanyang tindahan



Sa hirap at ginhawa ay dapat magkasama ang mag-asawa. Ito ang sinu-sumpaan ng dalawang nagma-mahalan sa harap ng nagkakasal sa kanila. Pero bakit may ibang mga mag-asawa ay nahahantong sa hiwalayan? Bakit ang iba ay nakukuhang magkaroon ng kabit?



Nakakalungkot isipin pero ito ang realidad ng buhay. Kaya nga maraming nagsasabi na ‘walang forever’ dahil nauuwi sa hiwalayan ang mga akalang pang-habang buhay na pagmamahalan. Pero hindi ba naisip ng mga nagkakaroon ng kabit ang dulot nitong epekto sa kanilang mga anak? Napaka-hirap ang magkaroon ng hiwalay na pamilya dahil ang pinaka-apektado dito ay mga anak.

Matindi ang kwentong ito tungkol sa isang misis na ini-reklamo ang kanyang mister na may kabit na 22 anyos na babae. Dahil sinisiraan daw ng kabit ang misis sa kanyang asawa at ang masaklap pa ay dinadala na ang kabit sa tindahan ng mister na katapat mismo ng tindahan ni misis. Si Ellenor Saguion ang misis na nagreklamo at humingi ng tulong kay Raffy Tulfo upang maka-usap ang mister para umalis sila sa lugar na iyon. Tanggap naman na ni Misis ang pangangaliwa ng mister niya na ang pangalan ay Alex Saguion. Pitong taon din ang tiniis ni Ellenor sa harap-harapang pangangaliwa ni Mister at ang iniisip na lamang niya ay ang kanyang apat na anak.




Nang maka-usap ni Raffy Tulfo si Alex Saguion, sinabi ni Raffy ang kagustuhan ni Ellenor na umalis sila ng kabit niya upang hindi ma-insulto at maapakan ang dignidad ni Ellenor. Pero sinabi ni Alex na hindi naman daw ini-insulto.



Kinausap din ni Raffy Tulfo si Chanda Abnuja patungkol sa reklamo. Sinabi ni Chanda na limang taon ng nakatayo ang tindahan at bakit ngayon lang daw nagrereklamo. Kaya hinamon ni Raffy Tulfo na kung hindi sila aalis ay papupuntahin niya ang mga pulis upang arestohin sila.

Humingi ng apat na buwan ang kabit upang ma-ilipat ang tindahan. Pero humingi pa ng kundisyon si Chanda na dapat ay hindi na humingi ng sustento si Ellenor sa mga bata. Pero ito ay kinontra ni Raffy Tulfo. Lubos ang pasasalamat ni Ellenor kay Raffy Tulfo sa tulong na ginawa niya. Sa paghaharap ni Ellenor at Alex sa barangay, sila ay nagka-ayos na aalis na lang ang kabit niya para hindi na rin magsara ang kanyang tindahan.




error: Content is protected !!