Masayang buhay ni Romnick Sarmenta kasama ang pamilya sa kanilang business na ‘Salu’



Naaalala niyo pa ba si Romnick Sarmeneta? Siya ang chinitong artista na pina-kilig ang maraming kababaihan nung kasikatan niya. Ang tunay niyang pangalan ay Romeo Nicolas Sarmenta Tejedor at siya ay ipinanganak noong ika-28 ng Abril taong 1972. Nagumpisa ang kasikatan niya sa palabas na “That’s Entertainment” at isa sa mga sikat na katambalan niya ay si Sheryl Cruz. Lubos na hinahangaan ng maraming tao si Romnick hindi lamang sa kanyang itsura pati na rin sa kanyang pag-arte at pagganap sa mga pelikula.


Ang naka-tuluyan ni Romnick Sarmenta ay si Harlene Bautista na isa ring artista. Sila ay ikinasal at biniyayaan ng limang anak. Kahit na kaya pa ni Romnick maging artista, mas pinili niya ang kanyang pamilya upang tutukan ang pag-aalaga sa kanila.




Ayon kay Romnick sa palabas na “Magandang Buhay”:
“Kami kasi ni Harlene, ayaw kasi namin ‘yung kapag may kailangan ‘yung anak mo o may sak!t or may masak!t sa anak mo eh tumatakbo sa yaya. So nag-decide kami. Sabi namin konting panahon lang kasi ‘yung mga bata. I mean lahat ng magulang maiisip ito, up to a certain time lalayo at lalayo sila sa iyo, magtatayo sila ng sariling pamilya and you only have a number of years para ma-enjoy mo ‘yung company nila at ma-build mo ‘yung character nila.”


Kaya naman naisipan ng mag-asawa na mag-business at magtayo ng restaurant. Pinangalanan nilang ‘Salu’ ang kanilang restaurant na hango sa salitang ‘salu-salo’. Ang restaurant nila Romnick ay matatagpuan sa Quezon City at marami ang tumatangkilik sa lugar na ito. Ang mag-asawa ay pinag-buti ang pagpapatayo ng negosyo dahil nilibot pa nila ang buong Pilipinas upang malaman ang masararap ng pagkaing pinoy at ipagmalaki ito.



Ito naman ang sinabi ni Harlene:
“Hindi po kami eksperto, pero ang masasabi ko we have the best team pagdating sa kitchen. Every day, may bago kaming dini-develop na pagkain.”


Tunay na maraming nagpupunta sa restaurant nila Romnick at Harlene. Sa tulong ng kanilang Chef na si Janjie Ocoma, naibibigay nila sa kanilang mga kostumer ang masarap na pagkaing Pinoy! Bukod sa masarap na pagkain ay maganda rin ang lugar.





error: Content is protected !!