Silipin ang mga magagarang sasakyan na pagmamay-ari ng mga paborito nating artista!



Maraming mga celebrity ang kilalang mayaman at sikat. Marami sa kanila ay may matinding interes at panlasa sa mga mamahalin at magagarang sasakyan. Talaga namang hindi na kataka-taka na magkaroon sila ng mga ganitong uri ng mamahaling mga sasakyan dahil sa hindi rin naman biro ang kanilang mga pagsusumikap at pagpupunyagi sa kanilang mga trabaho at napiling larangan.

DANIEL PADILLA, CORVETTE STINGRAY




Isa si Daniel Padilla sa mga kilalang leading man ng kaniyang henerasyon. Talaga namang hinahangaan ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo na kaniya rin namang nobya sa totoong buhay. Nabili niya ang sasakyan niyang ito ng 9 milyong piso.

ENRIQUE GIL, CAMARO



Ang dilaw na Camaro ng aktor na si Enrique Gil ay pinalitan ng kulay berde na nagkakahalaga ng higit sa dalawang milyong piso. Talaga namang bagay na bagay sa nobyo at on-screen partner ni Loza Soberano ang kaniyang magarang sasakyan.

DOUG KRAMER, ISUZU MU-X



Sino naman ang hindi makakakilala sa ama ng mga cute na cute na sina Kendra, Scarlet, at Gavin? Pinili naman ni Doug Kramer na magmaneho ng isang Isuzu MU-X na pina-customize niya sa Baguio ng bagong rim, body paint, ar bumper. Perpekto ang sasakyang ito para sa lumalaki niyang pamilya.

GEORGINA WILSON, JAGUAR F-TYPE COUPE




Talaga namang kasingganda ng modelo at host na si Georgina ang kaniyang magarang sasakyan na isang Jaguar F-Type Coupe.

DINGDONG DANTES, MASERATI GRANTURISIMO


Ang pagsusumikap at pagtitiyaga ni Dingdong Dantes ang nagbigay sa kanya ng hindi matatawarang tagumpay ngayon sa kaniyang karera at sa kaniyang buhay.

MARIAN RIVERA, MERCEDES-BENZ GLK 220




Nagmamay-ari din naman ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ng Mercedes-Benz GLK Class Compact Luxury SUV. Mayroon itong 2.1 L 14 turbo engine at state of the art security system.

ANNE CURTIS, AUDI Q5 at AUDI A3


Ang sikat na host ng “It’s Showtime” ay nagmamay-ari ng Audi A3 1.8 TFSI na kilala rin bilang pinakamabilis na sasakyan at 2014 World Car of the Year. Siya rin ang opisyal na ambassadress ng nasabing brand ng sasakyan.




error: Content is protected !!