Ulap na naghugis payong sa Bulkang Mayon, binigyan ng kahulugan ng ibang tao



Dahil kamakailan lamang ay nakaramdam tayo ng takot sa mga nangyaring lindol. Marami ang mga natatakot sa maaring mangyari sa mga susunod na mga araw. Ang iba ay binibigyan ng kahulugan ito at sinasabing ito ay sinyales ng hindi magandang pangyayari.


Katulad din ng isang litratong nakuhanan noong ika-23 ng Abril, na nagmistulang payong ang ulap na pumapalibot sa bulkang Mayon sa Albay. Ang litratong ito ay nakuhanan ng isang Facebook user na ang pangalan ay Noli Luna.  Mapapansin sa itsura ng ulap ang pagka-perpekto ng pagkakahugis na parang ‘apa’ na naka-taob. Para din itong isang malaking payong na tinatakpan ang taas ng bulkan.




Ayon sa post ni Noli Luna:
“Daragang Magayon, wearing her white umbrella. 5:30 a.m. 4/23/2019.”

Ang ibig sabihin ng “Daragang Magayon” ay “Magandang Dalaga”. Ayon sa alamat ng bulang mayon, ito ay kwento nang isang napaka-gandang babae na anak ng Rajah na napaslang dahil sa pag-ibig at ang puntod nito ay lumaki kaya itinawag itong Mayon. Sa kuhang litrato ni Noli Luna, ang mga ulap na naghugis-payong ay tinatawag na lenticular na ulap. Karaniwang makikita ito sa mga mabubundok na lugar. Ang mga ulap na ito ay nabubuo kapag ang hangin na umiikot sa bundok ay lumamig upang makabuo ng ulap.

Marami ang namangha sa litrato ni Noli Luna at humakot ito ng maraming reakyon at komento. Tanging mga taga-Albay lamang ang naka-saksi sa pangyayaring ito dahil panandalian lamang ang pananatili ng hugis ng ganitong ulap.




Kaya naman hindi maiiwasan ng ibang tao na magsabi na ito ay isang masamang pangitain. May nagsabi na ito ay sinyales na maaring pumutok ang bulkang mayon.  Ano man ang maisip ng tao sa mga nakikitang larawan, ang mahalaga ay dapat maging handa sa kahit anong mga kalamidad na darating sa ating buhay.





error: Content is protected !!