Ayon sa isang pag-aaral, mas kaakit-akit para sa maraming kababaihan ang mga lalaking hindi nag-aahit ng kanilang bigote!



Ang mga bigote at balbas ng mga kalalakihan ay normal na lamang sa panahon ngayon. Kanya-kanyang kapal at haba ang mga balbas at bigote ng mga kalalakihan depende sa kanilang mga inspirasyon. Aminin man natin o hindi ang mga bigote at balbas na ito ay talaga namang nakakaapekto sa ating pagtingin sa isang lalaki. Maraming humahanga sa mga sikat na artistang tulad nina Chris Hemsworth, Jamie Dornan at Jack Gyllenhaal samantalang ang iba naman ay mas nais ang mga “BTS look-alike”.


Kung kaya naman kung nais mong maging kamukha ng mga sikat na K-Pop stars ngayon at mag-ahit ng inyong mga bigote at bakbas marahil ay pag-isipan nyo na munang mabuti. Dahil ayon sa isang pag-aaral, napag-alaman na mas naaakit ang mga kababaihan sa mga lalaking mayroong makakapal na bigote at balbas kumpara doon sa mga mayroong malilinis at ahit na bigote at balbas.




Ayon sa pag-aaral na nailathala sa Journal of Evolutionary Biology na mayroong pamagat na “The Masculinity Paradox: Facial Masculinity and Beardedness Interact to Determine Women’s Ratings of Men’s Facial Attractiveness”, ang mga mananaliksik ay nagtanong sa 8,500 na mga kababaihan upang suriin ang pagiging kaakit-akit ng mga kalalakihan depende sa kanilang mga balbas o bigote na nahahati sa tatlong kategorya; “bearded”, “fully bearded”, at yung “sporting a goatee” kumbaga.


Pinakitaan ang mga taga-suring ito ng mga larawan ng mga kalalakihang may bigote at mga larawan ng walang bigote. At mas lamang ang mga babaeng nagsasabing mas kaakit-akit yaong mga lalaki na may makakapal na mga bigote kaysa sa mga lalaking naglilinis at nag-aahit ng kanilang mga bigote at balbas.



Ito ang naging konklusyon ng kanilang pag-aaral:
“Those sporting full beards are seen as men who are mature, masculine, socially dominant and aggressive. Beards are a trait that women would consider when choosing a short- or long-term partner.”




error: Content is protected !!