Hari ng Thailand na si King Vajiralongkorn, pinakasalan ang kanyang ‘bodyguard’



Karaniwan sa pelikula lang natin nakikita ang mga kwentong pagmamahalan ng isang maharlika at isang pangkaraniwang tao. Dahil kadalasan sa mga maharlikang pamilya ay pinapakasalan din ang mga kapwa nila upang mapanatili ang dugo ng pagiging maharlika. Pero iba ang kwentong ito tungkol sa isang hari na pinakasalan ang kanyang bodyguard.


Ang hari ng bansang Thailand na si King Maga Vajiralongkorn, na may edad na 66 ay naging hari noong suma-kabilang buhay ang kanyang ama noong taong 2016. Siya ay tatlong beses nang nakipag-divorce sa tatlong asawa. Siya ay nagkaroon ng pitong anak sa mga babaeng hiniwalayan niya.




Pero muling tumibok ang puso niya sa kanyang deputy head ng kanyang personal security detail. Ang kanyang dating bodyguard ay magiging reyna at asawa na niya ngayon. Taong 2014, isang flight attendant sa Thai Airways si Suditha Tidjai pero kinuha ito ni King Vajiralongkorn upang maging deputy commander sa kanyang mga bodyguards.


Isang royal statement ang sinabi:
King Vajiralongkorn “has decided to promote General Suthida Vajiralongkorn Na Ayudhya, his royal consort, to become Queen Suthida and she will hold royal title and status as part of the royal family”.



Nakikita na silang magkasama ng publiko. Ginawang heneral ni King Vajiralongkorn si Queen Suthida noong taong 2016. Si Queen Suthida ay matagal na rin niyang karelasyon ngunit hindi naman kinumpirma ng lubusan noon. Ngayon ay hindi na hindi haka-haka dahil sila ay mag-asawa na.


Ang kasalan nila ay nakita sa Thai TV. Makikita sa kanilang kasalan ang pagbuhos ng sagradong tubig sa ulo ni Queen Suthida. Ito ay nasaksihan din ng mga miyembro ng royal family at mha advisers ng palasyo. Mapapansin na sila ay naka-yuko at habang naka-luhod bilang kagawian ng mga taga-Thailand. Pagkatapos buhusan ng sagradong tubig si Queen Suthida sinundan ito ng pirmahan ng dokumento para sa marriage registry.





error: Content is protected !!