Ito ang dahilan ng isang anak na gumanti ng sampal sa magulang dahil sa ‘Sushi’



Naging usap-usapan ngayon ang babaeng nanampal ng tsinelas sa magulang. Nagsimula ang away ng mag-iina dahil lamang sa pagkaing ‘Sushi’.



Lumapit sa tanggapan ni Raffy Tulfo si Magdalena Austria upang humingi ng tulong para makipag-ayos sa mga anak niya. Kahit papaano ay naging maayos ang pangyayari dahil nagka-ayos naman sila ng kanyang panganay na anak si Irish. Kahit na napaka-babaw ng dahilan ng away, ito ay lumala dahil nagkaroon ng pisikal na sakitan.


Ngunit nananatiling matigas ang kalooban ng bunsong anak. Kahit na sabihin niyang ‘ok na sa kanya basta humingi lang siya ng tawad sa ate niya’ at ‘maramdaman niya ang sinseridad’.


Totoong hindi dapat manakit ng magulang dahil utang natin sa mga magulang ang buhay natin. Kaya wala tayong karapatan saktan ang ating mga magulang. Pero bakit nagawa ni Kren saktan ang kanyang sariling ina? Bakit niya natitiis na maging matigas sa taong nagluwal sa kanya? Wala ba siyang utang na loob?



Alamin natin ang naging dahilan kung bakit nagawa ito ni Kren. Sinabi ni Kren sa pag-uusap nila sa barangay ang dahilan kung bakit siya gumanti ng pananakit sa ina. Hindi naman daw niya talaga magagawa ito kung wala siyang dahilan. May mga pangyayari daw na minsan ay sinasaktan siya ng kanyang ina ng wala namang dahilan kaya gumaganti siya dito.

May mga pagkakataon pang sinabunutan si Kren ng kanyang ina habang nag-aayos ng electric fan na naging dahilan upang itulak ang ina at masubsob sa sahig. Ito rin ang naging dahilan ng ina upang batuhin ang anak ng sapatos.



Nakaka-lungkot malaman na may mga ganitong sakitan sa pagitan ng mag-ina. Sa totoo lang, malaking epekto ang pangyayaring ito sa buhay ni Kren. Hindi natin alam kung ano pa ang mga nangyari sa buhay nila upang maging dahilan ng ganitong ugali ni Kren sa magulang.

Maaari ding matanggal sa trabaho si Kren sa issue na ito. Sa tingin niyo ba karma na ito ni Kren sa mga ginawa niya? Sa tingin niyo ba magkaka-ayos pa sila ng kanyang ina?