Kinilig ang publiko sa pag-amin ni Kuya Escort na mahal niya rin si Vice Ganda!



Sa wakas ay idineklara na rin ni Kuya Escort Ion ang kaniyang pagmamahal kay Vice Ganda. Sa napakaraming bali-balita tungkol sa kanilang dalawa ay wala pa ring kumpirmasyon sa magkabilang panig. Si Ion Perez ay kilala rin bilang si “Kuya Escort” sa noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime”.



Nakasama siya ni Vice Ganda sa ilang konsyerto nito sa Amerika. Halatang-halata ang pag-eenjoy ng dalawa sa ibang bansa ayon na rin sa mga magagandang kuha at sweet na larawan nila sa social media.


Nasorpresa naman ang lahat ng lumaba ssi Kuya Escort Ion sa konsyerto ni Vice Ganda na pinamagatang “Ang Fantastic Concern ng Vaklang Twoooh” na ginanap sa Pechanga Resort Casino. Aakalain mong deklarasyon na nga ng kaniyang tunay na nararamdaman ang mga sinambit ni Kuya Escort Ion habang siya ay nasa entablado.


Sa Twitter, isang netizen sa ilalim ng pagkakakilanlan na @biseral ang nagbahagi ng isang video ng nasabing concert sa social media. Sa nasabing video, kasalukuyang nasa entablado at nagtatanghal si Ion kasama ang isang fan nang bigla nitong aminin na mahal niya ang komedyante. Makikitang tumango at sumang-ayon si Ion at nagsambit ng mga katagang: “Me too, I love Vice Ganda.”



Nananatili namang tahimik si Vice patungkol sa isyu. Samantala, naipakilala naman na si Vice Ganda sa kapatid ni Ion na nakabase sa Amerika. Makikita sa larawan na nasa Facebook post ni Natalia Perez, kasama ang kaniyang mister at ang komedyante habang namamasyal sila sa Los Angeles. Ang caption pa nga nito ay “Summer is lab lab,” na may kasama pang mga heart at smile emoji.

Sadyang mas nagpapahayag ng kaniyang saloobin si Kuya Escort Ion tungkol sa tunay niyang nararamdaman sa sikat na komedyante. Nagkaroon din ng pagkakataon si Kuya Escort Ion na makapanayam sa Gandang Gabi Vice at naikwento din nito kung gaano kahalaga sa kaniya si Vice. Narito ang kaniyang naging pahayag:
“Ako po, kinatatakutan ko na matapos kung anong meron kami,” sinabi ito ni Ion habang siya ay nakatingin kay Vice Ganda.



Natanong din naman siya kung ano ang ibig niyang sabihin sa naunan niyang pahayag, at narito ang kaniyang sagot: “Ano po, special po siya sa akin.” Pinagtaka rin ng maraming mga netizen ang misteryosong mensahe na ibinahagi ni Ion sa kaniyang social media account na nagsasabing: “Matang mapanghusga, hayaan mo sila. Importante puso mo’y masaya. #Valakayojan.”