Sikat na Video ng isang ate na mabait sa kanyang kapatid sa pagbibigay ng pera at suporta



Ang pagmamahalan dapat ang namamayani sa isang pamilya. Tulungan at patuloy na pagsuporta sa bawat miyembro ng pamilya ang kinakailangan. Wala nang mas sasaya pa sa isang tahanan kung lahat ng naka-tira dito ay may damayan at pagmamahal.



Isa na rin dito ang pagmamahalan ng magkakapatid. Dahil iisa lamang ang pinagmulan dapat ay nagtutulungan. Pero mayroong iba na nagsasabi na mas madalas pa nilang maka-away ang mga kapatid nila. Siyempre natural lang ang bagay na ito. Pero mas matibay pa rin ang samahan kung kadugo mo ito.

Isang video ang magpapakita ng pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Ang video na ito ay upload ni Anya Aragon noong ika-27 ng Abril. Ang video na ito ay ikinatuwa ng maraming tao dahil sa kabutihang ipinakita. Itinawag ding itong ‘ate goals’.




Ang caption ng video ay ito:
Aba! Gigil mo ako pera nanaman! Ate mong marupok!
Ang lambot lambot ng ate mo!! Hahaha ???
Supported pagdating sa basketball ?
Kasi pangarap daw nya mag PBA PLAYER! SOMEDAY!
#marupok #pbamuna #mvp

Makikita sa video na lumapit ang kapatid na lalaki ni Anya. Nanghihingi ang nakaka-batang kapatid ng pera para pambili ng jersey. Binigyan naman ng ate ng ₱500 ang kapatid at sinabi pang ibalik ang sukli. Ngunit humirit pa ang kapatid na lalaki at nanghingi pa ng pamasahe. Kaya naman binigyan muli ni Anya ng pera na ₱20.

Sinabi ng ate na pagbutihan ang paglalaro ng basketball. Niyakap niya ang kapatid na lalaki at tinanong kung wala man lang daw ‘thank you’ sa ate at wala man lang daw bang ‘kiss’. Sinabi niyang marupok ang ate at paghingi pera ay bigay agad. Sinabihan din nang mag-ingat at basketball lamang at huwag lalandi. Pangarap din kasi ng lalaking kapatid na maging isang PBA na manlalaro. Kaya huwag muna daw mag-jowa.

Nakaka-tuwang makita ang samahan nilang magkapatid. Kaya maraming naiinggit at gustong maging ate si Anya Aragon. Ang iba naman ay nagwapuhan sa kapatid no Anya at tinatanong ang pangalan nito.




error: Content is protected !!