Aktor na si Jerome Ponce nagbigay ng P300,000 na tulong sa isang Grab driver!



Isang Grab driver ang masayang nagbahagi ng kaniyang kakaibang karanasan sa aktor na si Jerome Ponce habang ito ay naghahanap-buhay. Sinabi niyang natulungan siya ng aktor noong siya ay naospital. Diumano ay binigyan siya ng P300,000 ng aktor na pangbayad sa kaniyang gastos sa ospital. Ang iba pang mga artistang tumulong sa kaniya ay sina Joshua Garcia, Loisa Andalio at Janella Salvador.


Ang kwentong ito ay naibahagi ng isang netizen na nakilala bilang si @angelbanqs, ang nasabing Grab driver ay nagkwento sa kanila habang nakasakay sila sa sasakyan nito. Sinabi din sa kanila ng Grab driver na dati niyang amo ang aktor at nang siya nga ay naospital ay tinulungan siya nito sa mga gastusin at nagbigay sa kaniya ng salapi na nagkakahalaga ng P300,000.




Dagdag pa ng driver ay hindi lamang si Jerome kung hindi mayroon pang ibang mga kilalang personalidad ang nag-abot sa kaniya ng tulong. Marami din namang mga netizen ang pumuri sa magandang ugali ng mga sikat na artistang ito na nagpa-abot ng tulong sa nasabing driver.


Narito ang naging pahayag ng mga netizen:
“talagang hindi sila nag dalawang isip magbigay”, “Jerome Ponce, Janella Salvador, Loisa Andalio, Joshua Garcia We salute u all for your kindness.”, “nice one @iamjoshuagarcia kahangahanga ka”, “Aww Loisa. Kakatuwa naman yan #LoisaAndalio”, “Omg!!! Such a good person!! Kayat mahal ka namin @iamAndalioLoisa”, “ponce_jerome”, “Wow iba ka talaga bebe kaya mahal ka namin”, “Dyooosa”, “Mabait talaga si janella”


Talaga namang kamangha-mangha ang mga ganitong pagtulong ng mga sikat na personalidad sa mga simpleng tao sa kanilang paligid. Tiyak na mas marami ang makakakuha ng inspirasyon at magnanais tumulong sa marami pang taong nangangailangan. Tunay ngang hindi mahalaga ang katayuan sa buhay, o ang mga katanyagang nakakamit kung ang isang tao ay hindi marunong tumulong sa kaniyang kapwa. Nakakatuwang malaman na tumutulong sila sa ibang tao ng walang hinihintay na kapalit.




error: Content is protected !!