Ito ang magandang bahay nila Tony at Alex Gonzaga sa Taytay Rizal



Kilalang-kilala natin ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na magagaling na mga Kapusong artista. Sa kanilang pagiging artista ay naka-pundar sila ng magandang bahay sa Taytay Rizal.

Ang pamilyang Gonzaga ay nakabili ng property noong 2005. Sila ay bumili ng apat na 150 square meters lots na may dalawang kalye ang nakapagitan. Taong 2006 naman ay nakapag-patayo sila ng pangarap na apat na kwartong bahay. Ilang taon pa ay nakapag-invest sila ng panibagong parte ng bahay nila sa laki ng 600 square meters lot.



Kaya tignan natin ang magandang bahay na pinundar ng magkapatid na Toni at Alex:

1. Sala



Mapapansin ang pagka-moderno ng estilo ng sala. Makikita rin na magaganda ang mga kagamitan ang napapaloob sa sala. Magaganda rin ang mga upholstered na sofa na siguradong maliligayahan ang mga ma-uupo dito.

2. Dining Area



Napaka-eleganteng tignan ang lugar kainan nila. Sa mahaba at modernong mesa at mga magagandang upuan, siguradong marami ang makaka-upo at makaka-kain. Bukod pa ay mayroong TV na naka-dikit sa dingding na pwede silang manuod habang kumakain.

3. Kusina



Dahil sa naging ekstensyon ng kanilang bahay, nagkaroon sila ng bagong kusina. Ang kusina ay napaka-linis tignan dahil sa kulay nitong puti. Makikita rin ang mga counter tops at mga kahoy na cabinets na nagpaganda pa ng lugar.

4. Entertainment Room


Sa pagkakaroon ng ekstensyon, naisipan din nilang maglagay ng entertainment room. Sa lugar na ito ay makakapag-bonding sila habang nanunuod ng mga palabas sa TV. Mayroon ding electronic keyboard sa likod ng sofa dahil kagustuhan ni Toni na matutong mag-piano.

5. Kwarto ni Toni



Napaka-simple at klasiko ang itsura ng kwarto ni Toni. Pinili niya ang mga kasangkapan na makakapag-bigay ng pagka-aliwalas ng kwarto.

6. Lagayan ng mga damit ni Toni


Dahil artista si Toni, kinakailangan ay maayos at malaki ang kanyang damitan. Mapapansin din ang pagka-aliwalas ng lugar. Hindi masyadong makulay pero galanteng tignan.

7. Banyo ni Toni
Ang kanyang banyo ay may glass-enclosed shower area at may baththub din. Mayroong magandang salamin na may spotless whitr counter sa kanyang pag-aayos.

8. Alex’s Bedroom


Halos parehas lang din ng itsura ang kwarto ni Alex sa kwarto ni Toni. Ang kakaiba lang ay may mga bulaklak na mga disenyo at mapapansin ang mga kurtina ay kulay pink.

9. Closet ni Alex


Katulad din ng lagayan ng mga damit ni Toni, sa closet ni Alex ay mayroong upuan na kulay pink sa gitna. Hindi rin nalalayo ang itsura ng closet nilang dalawa. Pero mapapansin na makukulay ang mga damit ni Alex. Nakilala din kasi natin siya na isang masayahing tao.

10. Alex’s Bathroom
Mapapansin ang pagka-hilig ni Alex sa kulay pink at mga bulaklak. Makikita ito sa kanyang banyo.

11. Pool


Mayroon din silang swimming pool kung saan ay pwede silang maligo at mag-bonding




error: Content is protected !!