Chito Miranda pinuri ang mga batang ’90s kaysa sa mga millenials: “Hindi kami basta basta naooffend.”



Ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ay nagbahagi ng kaniyang komento patungkol sa mga batang ’90s at millenials. Matapos magtanghal ng kanilang banda sa kanilang gig sa Makati, naibahagi ni Chito ang kaniyang saloobin sa kung anong magiging kakaibang epekto kung ngayon nila inilabas ang awitin nilang “Silvertoes”. Ibinahagi ng mahusay na bokalista na hindi madaling ma-offend o masaktan ang mga batang ’90s kumpara sa mga millenials ngayon.



Narito ang naging pahayag ni Chito para sa mga millenials ngayon:
“Ito sandali ah, disclaimer lang. Nothing against the millennials pero sometimes ‘yung mga millennials, masyadong sensitive. Pare, noong nilabas namin ‘yung kanta na ‘yan (‘Silvertoes’), walang na-offend. Alam n’yo kung bakit? Tayong mga batang ‘90s, we don’t get offended by songs. Can you imagine kung ngayon namin nilabas ‘yan? Yari kami sa Twitter! Iba ngayon, pare.”

Humingi ng paumanhin si Chito kung mayroon man siyang nasaktan sa kaniyang pahayag ngunit nilinaw naman niyang ang mga batang ’90s ay mas matatag ang kalooban kumpara sa ngayon. Narito ang isang maiksing bahagi ng kanilang kanta na may pamagat na Silvertoes: “Sorry, pagpasensyahan mo na / Mali talaga ang iyong inaakala / Lahat kami ay nandidiri sa iyo / Ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento.”




Noong 2013 ay naibahagi ni Chito ang kwento sa likod ng awitin nilang “Silvertoes”. Ito ay kwento diumano ng drummer nila na si Dindin Moreno at sa kinaiinisan nito noong kolehiyo.
“Noong nasa UP pa kami ni Dindin, may tinatambayan kami na pinagtatambayan din ng isang pandak na babaeng maitim at pangit na nakakaasar yung ugali (okay lang naman na ‘di siya maganda eh, pero pangit kasi ugali niya.

I should know kasi I’ve known her since high school). Dun ako na-inspire isulat ‘yung kanta…sa sobrang pagkakairita ni Dindin sa kanya,” pahayag ni Chito.




error: Content is protected !!