Ito ang ilan sa mga ‘flight experience’ ng mga sikat na celebrities, na makikita sa kanilang social media accounts



Marami ang nangangarap ng makasakay sa eroplano upang makarating sa malalayong lugar. Ngunit dahil sa kakarampot lang ang perang mayroon ang ibang tao ay hindi nilang nagagawang maranasan makasakay sa eroplano. Pero para sa mga mayayaman, tila ba parang normal lang talaga sa kanila ang pagsakay dito. Hindi pwedeng sabihin na abot kaya ang pamasahe sa eroplano dahil sadyang may kamahalan ito sa presyo. Lalong lalo na siguro kung iyong mga mamamahaling mga eroplano, siguradong maginhawa at masaya ang magiging-travel mo.

Kilalanin natin ang anim na sikat na personalidad sa Pilipinas na ipinakita sa kanilang social media accounts ang mga luxury flight experience nila na karaniwang makikita sa kanilang Instagram Accounts.



1. Andi Manzano


Ang sikat na DJ at artistang si Andi Manzano ay nagbahagi ng larawan patungkol sa kanilang ‘flight experience’. Katabi niya sa upuan ang kanyang anak na si Olivia sa kanilang biyahe sa napaka-gandang eroplano. Mapapansin ang mga gadget na naka-kabit sa mga upuan na makapagbibigay aliw sa biyahe. Mayroon ding lagayan ng mga inumin. At mapapansin din na magaganda ang mga upuan at siguradong maginhawa sa pakiramdam ang pag-sandal dito.


2. Donna Cruz


Nakita rin sa social media account ni Donna Cruz ang kanilang flight experience kasama ang asawa na si Yong Larrazabal. Kapansin-pansin lang sa flight nila ay ang cocktail experience nila. Ang business class flight experience ng mag-asawa ay nakaka-tuwang tignan dahil. May bartending sa loob ng eroplano.


3. Anne Curtis


Makikita sa Instagram Account ni Anne Curtis ang litrato ng kanyang luxury flight experience, habang ipinapalita ang kanyang kakainin sa isang sosyaling in-flight dining experience.



4. Heart Evangelista


Ang sikat at magandang artista naman na si Heart Evangelista ay kilalang mayaman na talaga. Nakilala din siya bilang asawa ni Chiz Escudero. Makikita din sa kanyang social media accounts ang mga magagarang biyahe nila kasama niya ang kanyang asawa. Katulad na lamang ng pagpunta nila sa Balesin kasama ang asawa. Palaging mamahaling business class private jet plane ang sinasakyan.

5. Vicki Belo


Makikita naman ang flight experience ng sikat na si Dra. Vicky Belo kasama ang asawang si Hayden Kho at anak na si Scarlet Snow sa kanyang social media account. Napaka-garbo ng flight dahil padang hotel ang datingan nito na sila ay maaaring mahiga sa kama sa biyahe.



6. Jinkee Pacquiao


Siyempre, kung paramihan lang naman ng mga ‘luxury flight experience’, si Manny Pacquiao at si Jinkee Pacquiao ay marami ng napuntahang lugar at karaniwan sa kanilang mga flighta ay talahang mamahalin. Makikita sa social media account ni Jinkee ang mga magagandan at magagarbong biyahe nila.