Marami ang naengganyo at natakam sa “Buko Pandan Taho” ng Las Piñas na umani ng maraming reaksyon at komento mula sa publiko



Naglabasan na nga ang mga taho lovers sa social media. Dahil sa paghahanap nila sa nagtitinda ng “buko pandan taho” na ito. Talaga namang natakam at nainggit ang marami sa kumakalat na larawan ng kakaibang taho na ito!


Hindi tulad ng normal na taho, na kulay puti mayroong sago at arnibal, ang taho na ito ay kulay berbe at talaga namang katatakaman mo dahil sa flavor nito. Ang nasabing mga larawan ay ibinahahi ni Tara Sa South, isang Facebook page na nagtatampok ng mga pinakamasasarap na pagkain at pinakanakakamanghang destinasyon sa katimugang bahagi ng Metro Manila noong ika-pito ng Mayo.



Ang larawan ng nakakatakam na pagkain ito ay orihinal na ibinahagi ni Miah Ilag Levasty sa kaniyang Instagram noong ika-lima ng Mayo. Ayon sa kaniya, ang buko pandan taho na ito ay ibinebenta at inilalako sa Martinville Subdivision sa Las Piñas.

Isa sa mga netizen na nakilala bilang si Rya Veronica Soleil Mantawid ang nag-udyok sa marami pang mga netizen na hanapin ang tao na nagtitinda ng taho dahil sa talaga namang napakasarap ng taho na iyon na natikman pa niya noong siya ay nasa Las Piñas pa. Komento naman ng isang netizen na si Mike Ribaya, “Fusion ng dalawang gustong-gusto ko. Nakakatakam.” Samantalang isa pang netizen ang nagsabing “huntingin” na diumano nila ang nagtitinda ng tahong ito.



Mayroong ilang nagsabi na hahagilapin nila ang tindero ng buko pandan taho tuwing Sabado at Linggo samantalang ang ilan naman ay nagnanais pumunta ng Las Piñas matikman lamang ang kakaibang taho na ito. Sa kabilang banda, mayroon din namang ilang mga netizen na nais ibahagi ang kanilang mga natikman nang taho. Tulad na lamang ng netizen na si Paul San Juan na nagbahagi ng larawan ng strawberry taho na kilalang-kilala sa Baguio. Sinundan pa ito ng isa pa niyang larawan ng “Ube Taho”.




error: Content is protected !!