Rudy Francisco, ang lolo na sumikat sa komersyal ng McDonald’s pumanaw na sa edad na 96!



Marami nang mga programa sa telebisyon ang ating napanuod, marami na ring mga pelikula at mga palabas ang ating sinubaybayan. Lingid sa ating kaalaman na maging ang mga patalastas pala ay unti-unti na ring tumatatak sa ating mga puso at isipan. Karamihan pa nga rito ay ninanais nating maibalik upang minsan pa ay maranasan nating muli ang ating kabataan.



Tiyak na isa sa mga hindi natin makakalimutang patalastas ay ang makakalimuting lolo ni Karen sa komersyal ng McDonald’s noon na si Rudy Francisco ay pumanaw na noong ika-8 ng Mayo, Miyerkules. Siya ang aktor na naaalala ng lahat bilang ulyaning lolo ni Karen at Gina sa sikat na fast food chain na McDonald’s noong ‘90s. Ang mga katagang “Karen po.” ay talaga namang hindi basta basta mawawaglit sa piso at alaala ng maraming mga Pilipino.

Ang anak niyang si Raymond Francisco na isa ring aktor ay kinumpirma ang nakakalungkot na balitang ito sa publiko. Narito ang naging pahayag niya sa kaniyang Facebook post:
“You will be forever in our hearts, Dad, Ilove you.” Ang apo naman ni Lolo Rudy sa kanilang sikat na komersyal ay ang aktres na si Karen delos Reyes. Nagbahagi din siya ng malungkot na balita patungkol sa pagpanaw ng kaniyang lolo.


Si lolo Rudy ay aktor ng Sampaguita pictures noong 1950s ngunit hindi rin siya nagtagal sa industriya dahil mas minabuti iyang mag-aral at magtapos ng abogasya. Sa loob ng 40 taon ay nanatili siyang legal counsel ng Sampaguita Pictures hanggang sa nagretiro siya noong 1997 ayon sa ulat ng Philippine Star.


Maraming mga pagbabago sa ating mundo at sa ating panahon ngayon. Ngunit isa pa rin sa pinakamasakit na pagbabago ang pagkawala at pagpanaw ng taong mahalaga at mahal natin. Bagamat hindi na natin siya makikita, mahahawakan, at makakasalamuha ay mananatili pa rin ang galak at saya sa ating mga puso at alaala na kahit minsan ay naging parte sila ng ating buhay dito sa mundong ating ginagalawan.

 

View this post on Instagram

 

Sad day today ? Rest in Peace Lolo Rudy Francisco. My deepest condolences to you and your family @rsfrancisco888

A post shared by karen de los reyes (@karen_delosreyes) on






error: Content is protected !!