Sikat na video patungkol sa pag-prank nila sa Ama sa pagkakaroon ng Tattoo kahit ipinagbawal ito!



Minsan kapag naiinip tayo, karaniwan sa ginagawa ay ang gumamit ng cellphone. Ang iba ay naka-hiligan ang pagkuha ng mga nakaka-tuwang video at ibinabahagi ito sa social media. Bibihira na lang siguro ang mga taong hindi na maalam sa social media.



Kadalasan ay nagbabahagi tayo ng mga larawan upang makilala at mapansin. Kapag mga video naman na ibinahagi ay hangad din na maging-viral ito o sumikat. Katulad na lamang ng isang video na ginawa ng mag-kasintahan na si Ryan at Kath.


Mahigpit na ipinagbabawal sa pamilya nila Ryan ang pagkakaroon ng Tattoo sa katawan kahit din ang pagkakaroon ng hikaw ay bawal din. Kaya naisipan ng magkasintahan na ito ang gawing prank sa ama ni Ryan. Sa umpisa ng video ay tinulungan ni Kath na ilagay ang pekeng Tattoo kay Ryan.


Dahil papuntang probinsya ang pamilya nila Ryan at kasama si Kath dahil sa isang binyag, ito ang naisipan nilang pagkakataon upang pagkatuwaan nila ang ama.



Nakaka-aliw ding malaman na kakuntsyaba nila ang ina ni Ryan at ang kapatid na lalaki sa naisip na kalokohan ng magkasintahan. Hindi naging madali ang prank dahil seryosong bagay ito sa kanilang pamilya.

Naka set-up naman lahat ng camera sa paligid at handa na sila. Marami ang namangha sa husay ng pag-arte ng nanay ni Ryan. Noong una ay hindi niya mapilit ang kanyang asawa upang kausapin ang anak.



Makikitang umepekto ang kanilang kalokohan dahil mapapansing naiinis ang tatay ni Ryan at nasaktan niya pa ito. Pero lalong nainis pa dahil nakita niyang naka-ngiti si Ryan. Makikita rin na kapani-paniwala ang ina dahil may sinabi pa siya na “hindi ka na makakapag-donate ng dugo”.

Pero sa bandang huli ay itinuro ni Kath ang Camera at sila ay nagtawanan. Ipinakita ni Ryan na hindi totoong tattoo ang nakalagay sa kanyang katawan.