Isang babae ang hindi nag-atubili na tulungan ang pulubi na ito, at nagawa pa niyang ipinaghain ito!

Nakakatuwang malaman na tayong mga Pilipino ay bukas palad sa ating mga kapwa na nangangailangan. Hindi man tayo mayaman sa salapi o maraming materyal na bagay dito sa mundo ay hindi ito kailanman nagiging hadlang upang tumulong tayo sa ating mga kapwa na nangangailangan.

Gayundin naman ay sadyang malambot ang ating mga puso sa mga taong kapus-palad at kadalasang kung ano ang ating makakayanan o kung ano ang mga bagay na mayroon tayo ay hindi na tayo nagdadalawang isip pang itulong ito sa mga mas nangangailangan.

Isang netizen na nakilala bilang si Florendo Bonavente Bern ang nakasaksi sa isang mabuting gawa ng babae na ito sa isang pulubi. Madungis man at hindi kaaya-aya ang amoy ng pulubi na iyon ay tinulungan pa rin siya ng babae na nakasuot ng kulay pink na tshirt at salamin. Habang naglalakad siya ay mayroon siyang bitbit na pagkain na kaniyang binili. Minsan pa ay nakita niyang sumusunod sa kaniya ang isang matandang lalaki na pulubi na tila gutom na gutom. Agad naman niya itong tinulungan sa halip na pandirihan o katakutan.

Ang nakakamangha pa sa babae na ito ay ang kaniyang paghahain at paghahanda ng pagkain para sa matandang lalaki. Hindi alintana ang pisikal na anyo nito bagkus ay bukal sa puso niyang tinulungan ang kawawang pulubi. Marami ang namangha at nagilalas sa ginawang ito ng babae na hindi tipikal na ginawa ng isang tao para sa kaniyang kapwa lalo na sa ating panahon ngayon na tila mas binibigyang halaga ang panglabas na kaanyuan kaysa sa nilalaman ng puso o katayuan sa buhay.

Tunay ngang ito dapat ang mga tao na ating tinutulungan. Mga taong walang ibang malapitan at mahingian ng tulong kundi ang iilang mga tao na hindi nandidiri at natatakot sa kanilang kaanyuan dulot na rin marahil ng sobrang katandaan, ng kahirapan o di kaya naman ay kapabayaan sa parte ng kanilang mga pamilya at kamag-anak na hinayaan na lamang silang palaboy-laboy at namamalimos ng makakain sa mga lansangan.



error: Content is protected !!