Naghintay nang matiyaga ang lolo na ito para sa idolo niyang si Coco Martin para maibigay ang kaniyang regalo sa aktor!



Likas na sa ating mga Pinoy ang labis na pagmamahal hindi lamang sa ating pamilya, asawa at mga anak kung hindi sa ating mga iniidolong artista. Napakalaking kagalakan na para sa ating mga tagahanga ang makita o makadaupang-palad man lamang natin ang ating mga idolo. Ang pagkakaroon ng larawan kasama sila ay talaga namang nakapagpapatalon na ng puso natin.



Kamakailan lamang ay isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng isang lolo na matiyagang naghihintay sa kaniyang idolo na si Coco Martin sa gilid ng entablado. Siya ay nakilala bilang si Analiza Regalado. Nakita niyang naghihintay si lolo para sa kaniyang idolo upang maibigay sana ang kaniyang pinintang larawan nito. Ayon sa kaniyang pahayag sa kaniyang Facebook post kasama ang mga larawan ni lolo ay napansin niyang naghihintay ang matanda na maiabot kay Coco Martin ang isang malaking larawang ipininta nito.

Bagamat nabigo siyang maibigay ito sa aktor ay pinagaan niya ang kalooban ng lolo at sinabing kahit papaano ay nakita niya ang idolo. Ngumiti lamang ang matanda at sinabing “Gusto ko lang sana itong ipakita sa kaniya at ibigay.”




Marami namang mga netizen ang nalungkot sa pakabigo ng matandang lalaki na maibigayang regalo sa kaniyang idolong artista. Kung kaya naman marami pa ang nagkomento sa post na ito na kahit paano sana ay mabigyang-pansin ang tagahangang ito. At matapos pa nga ang ilang araw ay ikinatuwa na ng lahat ang pagkakatanggap bi Coco sa pinintang larawan ng lolo.

Muli ay hindi na naman magkamayaw ang mga netizen sa pagkokomento sa nasabing larawan ng aktor hawak hawak na ang regalo ng matanda niyang tagahanga para sa kaniya.

 

View this post on Instagram

 

Maraming Salamat Lolo ❤️ #CocoMartin #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

At labis din naman ang naging kagalakan ni Coco na mayroon siyang mga masusugid na tagahangang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya tulad na lamang ng matandang lalaki na ito na nagpinta ng larawang nais niyang iregalo sa kaniyang minamahal na idolo.




error: Content is protected !!