Siya pala ang napakagandang ina ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes!



Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na magkapatid ang dalawang sikat na artistang sina Ara Mina at Kristine Reyes kahit pa sa umpisa ay marami ang nagtataka dahil sa hindi sila magkamukha ng apelyido. Si Ara Mina o mas kilala bilang Hazel Pascual Reyes sa totoong buhay ay isang 39 taong gulang na aktres, endorser, negosyante at mang-aawit. Siya ang panganay sa siyam na magkakapatid at lumaki siya sa Marikina City.



Kinalakihan niya ang ina at ang stepfather nitong si, Romeo Reyes. Ang kaniyang biological father ay ang dating pulitiko na si Chuck Mathay. Mayroon din siyang anak na babae kay Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na pinangalanan nilang Amanda Gabrielle.


Samantalang si Cristine Reyes naman o mas kilala bilang Ara Marie Cristine Reyes-Khatibi sa totoong buhay ay 30 taong gulang na aktres, modelo, mananayaw, at endorser. Naging kalahok siya noon sa reality TV show ng GMA network na Starstruck ngunit kalaunan ay lumipat din sa kabilang estasyon at naging parte ng ilang shows ng ABS-CBN tulad ng “Kahit Isang Saglit” noong 2008 at “Eva Fonda” noong 2009. Pebrero taong 2015 nang isilang niya ang kaniyang anak na si Baby Amarah sa nobyo niya noon na si Ali Khatibi isang mixed martial artist. Enero 27, 2016 naman ng sila ay ikinasal sa isang pribadong seremonya sa Balesin Island sa Quezon.





Hindi maipagkakailang mahusay at kilala ang magkapatid na ito sa larangang kanilang kinabibilangan. Naitampok na sila sa maraming mga programa sa telebisyon at ilan pang mga bigating pelikula sa takilya. Ngunit ang mas nakakamangha pa sa magkapatid na ito ay ang kanila mismong ina na pinagmanahan nila ng kanilang talento at angking kagandahan.




Siya ay si Venus Imperial na isa rin palang beauty queen. Nagbahagi ng larawan ang aktres na si Ara Mina noong nanalo at kinoronahan ang kaniyang ina bilang “Mutya Ng Pasig 1967”. Ang larawang ibinahagi niya sa kaniyang social media account ay labis na mahalaga dahil sa iyon na lamang ang naisalba nilang larawan noong nasalanta sila ng bagyong Ondoy. Ang ina nila ni Cristine Reyes na si Venus Imperial ay dati ring aktres kasama pa ang tatlo nilang kapatid.





error: Content is protected !!