Ilang mga larawan ang ibinahagi ni Pauleen Luna sa kanilang magandang bahay sa Laguna



Ang sikat na Aktres at TV Host na si Pauleen Luna ay sinusubaybayan ng maraming tao hindi lamang sa kagandahan niya pati na rin sa mga litratong ibinabahagi niya patungkol sa kanyang pamilya.


Kilala natin sa palayaw o bansag na ‘Poleng’ dahil sa galing niya sa pag-gaya ng boses ng bata. Si Pauleen ay kinasal kay Vic Sotto noong ika-23 ng Enero taong 2016. Biniyayaan naman sila ng anak na babae na ang pangalan ay si Talitha Maria Sotto noong ika-6 ng Nobyembre taong 2017.




Maraming netizens ang umaabang sa mga latest post ni Pauleen sa kanyang Instagram account lalo na sa mga litrato ng maganda nilang anak.


Tunay na pinagpala ang kanilang pamilya sa pagkakaroon ng magandang bahay sa Laguna. Ito ay nakita sa Instagram account ni Pauleen Luna. Ang mansyon nila sa Laguna ay may dalawang palapag. Makikita ang kagandahan nito at pagiging magara. Ang nangingi-babaw na kulay ng mansyon ay kulay puti na magpapa-kita ng pagka-elegante nito.



Napapalibutan din ang mansyon ng mga puno at halaman na makapag-bibigay sa kanila ng magandang view at maginhawang pakiramdam. Makikita din sa litrato na may mga koleksyon sila ng mga paintings at artworks na nakalagay sa dingding. Mapapansin din ang mga magagandang ilaw sa mga ceiling na makapag-papakita ng pagka-moderno ng bahay.


May mga litrato ring ipinakita kung saan ay makikitang naka-tayo si Vic Sotto malapit sa hagdan. Mapapansing maganda ang sahig na tila ba matibay na kahoy ang tinatayuan.



Sa larawan naman kung saan may litrato si Pauleen, ipinakita dito ang kagandahan ng kanilang swimming pool kung saan ay makakapag-bonding ang kanilang pamilya. Makikita rin na maganda ang pagkaka-pwesto ng swimming pool dahil napapalibutan ito ng maraming puno at halaman.


Sa tabi naman ng swimming pool ay may lugar kung saan pwede silang kumain at dumaos ng kahit anong okasyon nila. May post din si Pauleen ng bonding moments nila kasama ang mga anak ni Vic Sotto.






error: Content is protected !!