Isang misis ang usap-usapan ngayon ng publiko dahil sa maraming sulat na pinaskil nito sa buong bahay nila upang paalalahanan ang kaniyang mister!



Kinaaliwan ng mga netizens ang misis na ito na mayroong kakaibang paraan upang ipaalala sa mister niya ang mga dapat nitong gawin sa kanilang tahanan upang mapanatili itong malinis at maayos. Ang misis na ito ay nakilala bilang si Joanna Mae Briones Alcantara.


Siya ang misis na naglagay ng maliliit na sulat o paalaala sa bawat sulok ng kanilang bahay upang hindi na muli pang makaligtaan ng kaniyang mister at mga kasama sa bahay ang dapat nilang makagawian sa araw-araw. Magmula sa switch ng ilaw, sa bintana, sa sofa, sa banyo, at maging sa lababo rin ay hindi pinalampas ni Joanna na lagyan ng paalala para manatiling malinis at maayos ang kanilang tahanan.




Narito ang nakapaskil na paalala sa kanilang bintana. “Ayusin ang mga kurtina sa umaga. Talian ng pulang laso para maaliwalas”. Habang ito naman ang nasa kanilang sala, “Ayusin ang sofa at throw pillows pagkatapos gamitin. Baka may dumating na bisita.”


Marami ang mga naka-relate at natuwa sa ginawa ng misis na ito. Narito nga ang ilan sa mga netizen na nagkomento sa kaniyang naging post:
Isang netizen na nakilala bilang si J. Denoga ang nagsabing “Mas mabuti na ganyan kesa paulit ulit na sabihin sa mga matitigas ang ulo na hindi marunong mag ayos sa bahay.”



Dagdag pa ni Joanna, labis siyang natuwa at nasabik nang makalipat sila sa bago nilang bahay ng mister kung kaya naman nagustuhan niya ang ideya na ito.
“Natuwa po ako sa idea na magpapaskil sa bawat sulok ng bahay namin kasi iyong thought po ba na, ‘my house, my rules.” Parang bahay namin ito, kahit anong gawin namin ay okay lang. Kasi pinaghirapan po namin itong bahay na ito. Kaya gusto ko po maayos ang lahat. Kahit busy po kami sa work, pinipilit pa rin po maglinis.”


Isang guro si Joanna sa pampublikong paaralan habang sa bangko naman nagtatrabaho ang kaniyang mister. Laking tuwa niya nang umubra ang kaniyang naisip na kalokahan sa kaniyang mister. Dagdag pa nito, tumutulong naman ang kanyang mister sa bahay sadyang naisipan lang niyang maglagay ng paalala sa bawat sulok ng kanilang tahanan.


“Natuwa po ako sa idea na magpapaskil sa bawat sulok ng bahay namin kasi iyong thought po ba na, ‘my house, my rules.” Parang bahay namin ito, kahit anong gawin namin ay okay lang.”






error: Content is protected !!