Categories: Viral

Jinkee Pacquiao, simple pa rin ang mga gustong pagkain kahit pa sobrang yaman na nila!

Mahirap maging mahirap, isang katotohanan na talaga namang hindi na maiaalis pa sa ating mga Pilipino. Tila ba kahit anong pagtitiyaga at pagsusumikap mo sa buhay ay hindi pa rin tayo makaahon-ahon sa hirap dahil sa mababang sahod, mataas na mga bilihin at iba pang gastusin. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa din namang mga tao na pinapalad sa buhay. Tulad na lamang ng pamilya Pacquiao na nagmula sa hirap ngunit ngayon ay talaga namang asinsado na.


Ngunit sa kabila ng napakaraming nilang negosyo at mga bahay sa loob at labas ng bansa, magugulat kang hanggang ngayon ay simple pa rin ang pamumuhay nila. Sa katunayan ay mas gusto pa rin ng misis ni Pacman ang mga simpleng pagkain at ulam sa kanilang hapag-kainan.


Naging usap-usapan sa social media ang ibinahaging larawan ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang social media account kung saan ang mga handa nilang tanghalian sa magara nilang mansyon ay simpleng ulam lamang. Talaga namang kahit pa marami na silang salapi ngayon ay hindi ito naging dahilan upang maging mayabang sila o di kaya naman ay maging sobrang marangya sa buhay.


Talaga namang natakam ang higit sa 1.2 million followers ng misis ni Senador Manny Pacquiao. Isang matagumpay at mayamang pamilya ngunit nananatili pa ring masaya sa mga simpleng bagay sa buhay. Ang larawan ng simpleng ulam ng pamilya Pacquiao na ibinahagi ni Jinkee ay nilagyan pa niya ng nakakatuwang caption na masarap daw sa GenSan at talagang tataba siya roon.


Sa kabila ng kayamanan na mayroon sila ngayon ay ang kanilang pagiging simple at mapagpakumbaba. Walang sawa rin silang tumutulong sa marami nilang mga kababayan, sa GenSan man o sa iba pang panig ng ating bansa. Tunay ngang kung sino ang nagbibigay ay siya pang lalong pinagpapala ng Maykapal. Inspirasyon sila sa marami pang mga Pilipino saan mang sulok ng mundo.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago