Praktikal na wedding reception ng kasalang ito sa carinderia umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko!



Minsan lamang ikakasal ang isang babae sa kaniyang buhay kung kaya naman karamihan sa ating mga Pilipino ay talagang pinaglalaanan ito ng oras, panahon, at salapi. Mula sa damit pangkasal na isusuot ng ikakasal hanggang sa mga dekorasyon, sa mga imbitado at imbitasyon, at sa wedding reception ay talaga namang mabusising inaayos at pinapaganda. Talaga nga namang ang ilang mga kilalang personalidad ay nagbabayad pa ng milyong milyong piso para sa perpekto nilang kasal.



Dahil nga sa grandyosong pag-aayos ng kasal at sa malaking halagang ginagastos ay marami ang nagdadalawang isip nang magpakasal ngunit iba ang naging solusyon ng magkasintahang ito sa Davao dahil sa ang wedding reception nila ay ginanap sa isang carinderia, praktikal hindi ba?




Isang kasalan na ginanap sa Davao na talaga namang kinagiliwan ng mga netizen. Ito ang kasal nina Ricson at Catherine Saad at ang kanilang wedding reception ay ginanap sa isang carinderia na ang pangalan ay Goyong’s Mami Hauz.




Naibahagi ng mag-asawa na hindi talaga nila nais ang magarbo o marangyang pagdiriwang sa kasal at sa kanilang wedding reception kung kaya naman sa carinderia na lamang nila ito idinaos. Dagdag pa ng bagong kasal pinili nila ang carinderia na ito dahil sa pagmamay-ari ito ng mga magulang ni Catherine at hindi lamang nila matutulungan ang negosyo ng kaniyang mga magulang at mairaraos ang kanilang kasal kundi mas nakakasiguro din silang malinis ang mga pagkain nila roon.





Labis namang ipinagpasalamat ng mag-asawa ang mga taong tumulong sa kanilang mag-ayos ng kanilang wedding reception at maging ang mga taong nakiisa at dumalo sa pagdiriwang nila ng kanilang pag-iisang dibdib. Tunay ngang hindi naman kailangan ng marangya, o magarbong handaan o venue basta’t kasama ninyo ang inyong mga mahal sa buhay at masaya kayong nagsasalo-salo sa isang napakaespesyal at importanteng araw ng inyong buhay. Makikita sa mukha nilang lahat ang labis na saya at ligaya.




error: Content is protected !!