Sila ang mga sikat at kilalang ‘Loveteams’ noon na katulad din ng ‘AlDub’ ay nagkahiwalay din

Lubos na hinangaan ng maraming tao ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza. Ngunit marami ang nalungkot dahil ang dating sikat na ‘AlDub’ ay wala na ngayon. Napabalitaan na mayroong nobyo ngayon si Maine Mendoza na isa ring artista na si Arjo Atayde. Marahil ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila sa kanilang tambalan.

Marami ang kinikilig sa mga ‘Loveteams’ dahil nais ng mga taga-hanga na sila ang magkatuluyan. Ngunit kung isa man sa tambalan ay magkaroon ng ibang relasyon maaaring ika-sira ito ng pagiging ‘Loveteam’ nila. Hindi lamang ang ‘AlDub’ ang dumating sa puntong ito. Dati pa ay may mga hinahangaan na tayong mga ‘Loveteams’ na ganito rin ang kinahantungan.

Sila ang mga sikat na ‘Loveteams’ noon na nagkahiwalay din katulad ng ‘AlDub’

Nida Blanca at Nestor De Villa

Ang tambalang Nestor-Nida ay sumikat sa LVN Pictures noong mga taong 1950’s. Kilala sila sa mga palabas na Turista, Waray-Waray, Handang Matodas, at Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Ang tambalan ng dalawa ay hinangaan dahil sa pagkakaiba nila ng personalidad. Kung si Nida ay matapang si Nestor naman ay malumanay.

Sila ay hindi rin nagka-tuluyan at parehas na nakapag-asawa ng non-showbiz.

Gloria Romero at Luis Gonzales


Pinasakat naman ng Sampaguita Pictures ang tamabalang Luis-Gloria ng taong 1950’s. Ilan sa mga sikat nilang mga pelikula ay Ikaw Ang Aking Buhay, Sa Labis ng Nayon, Artista, Pinagbuklod ng Langit at marami pang iba.

Hindi rin sila nagka-tuluyan dahil kinasal si Luis kay Vina Concepcion at si Gloria naman kay Juancho Gutierrez.

Nora Aunor at Tirso Cruz III


Noong 60’s naman ay sikat na sikat ang tambalang Nora at Tirso. Marami ang humanga sa tambalang ito dahil sa kombinasyon ng kanilang mga pisikal na itsura. Kung si Nora ay may gandang morena, si Tirso naman ay mestisong lalaki. Maraming mga pelikula ang naging blockbuster sa kanila ilan ditl ay ang Young Love, Guy & Pip, Young Girl, at marami pang iba.

Kinasal si Tirso kay Lyn Enchausti at si Nora naman ay kinasal kay Christopher De Leon.

Vilma Santos at Edgar Mortiz


Kung may Nora-Tirso, mayroong Vilma-Edgar. Sila ang matinding magkalaban na loveteam noong 60’s. Ilan sa mga sikat na pelikula nila ay Ang Batang Bangketa, Kampanerang Kuba, Edgar Loves Vilma, Renee Rose, Baby Vi, at marami pang iba.

Kinasal si Edgar kay Millet Santos at si Vilma naman ay kinasal kay Edu Manzano at nag-divorce at kinasal muli kay Ralph Recto.

Maricel Soriano at William Martinez


Noong 80’s naman ay sikat ang tambalang Taray at Kulit. Pinasikat ang tambalang ito nila William at Maricel ng Regal Films. Ilan sa mga kilala nilang mga pelikula ay Mother Deaar, Oh My Mama, To Mama With Love, Galawgaw, at marami pang iba.

Katulad ng iba ay hindi rin sila nagka-tuluyan. Si William ay kinasal kay Yayo Aguila at nagka-hiwalay din. Si Maricel ay kinasal kay Edu Manzano pero nagka-hiwalay din.

Manilyn Reynes at Janno Gibbs


Isa ding sikat na loveteam ang Janno-Mannilyn. Kilala ding mga magagaling na singer ang dalawa kaya naman nagustuhan ng maraming tao ang kanilang tambalan. Ilan sa mga pelikula na kinasikatan nila ay Petrang Kabayo, Feel na Feel, Mga Kwento Ni Lola Basyang, at marami pang iba.

Kinasal si Janno kay Bing Loyzaga at si Manilyn naman. Ay kay Aljon Jimenez.

Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta


Marami ang kinikilig sa tambalang Rominick at Sheryl. Ilan sa mga kilalang pelikula nila sa Seiko Films ay Puso sa Puso, Everlasting Love, at Pardina at ang mga Duwende.

Kinasal si Romnick kay Harlene Bautista at si Sheryl naman ay ikinasal sa non-showbiz na lalaki.

Judy Ann Santos at Wowie De Guzman

Ang tambalang ito ay tinilian ng maraming tao. Taong 90’s ng sumikat ang tambalang Judy Ann at Wowie dahil sa teleseryenf Mara Clara. Ilan sa mga pelikula nila ay Kung Alam Mo Lang, Sana Naman, Wow Multo, at Mara Clara: The Movie.

Kinasal si Judy Ann kay Ryan Agoncillo at si Wowie naman ay ikinasal sa isang non-showbiz na babae.

Angelu De Leon at Bobby Andrews


Sumikat naman ang tambalan ni Angelu at Bobby ng taong 90’s sa palabas na TGIS. Maganda ang naging tambalan nila kaya madalas silang makitang magkapareha sa mga palabas.

Natigil ang loveteam nila ng mapa-balitaang nagbuntis si Angelu na ang ama ay si Joko Diaz. Ngunit siya ikinasal kay Wowie Rivera. Si Bobby naman ay ikinasal sa isang Non-Showbiz na babae.

Jolina Magdangal at Marvin Agustin


Sumikat ang tambalang Jolina-Marvin sa palabas na Gimik. Bumida din sila sa pelikulang F.L.A.M.E.S.: The Movie, Kung Ayaw Mo Huwag Mo, Labs Kita Okey Ka Lang? Gimik: The Reunion.

Ikinasal si Jolina kay Mark Escueta at si Marvin ay single.

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz


Kilalang kilala natin ang tambalang ito na si ‘Popoy at Basha’. Ang kanilang tambalan ay nagsimula noong si Bea at John Lloyd ay tumampok sa pelikulang Tagal Kang Hinintay noong 2002.

May pamilya na ngayon si John Lloyd kasama ang kapareha niyang si Ellen Adarna. Si Bea naman ay karelasyon si Gerald Anderson.

Source:Dailypedia



error: Content is protected !!