Alex Gonzaga pinabilib ang publiko sa kaniyang vlog bilang si Darna!

Hindi lingid sa kaalaman ng maraming Pinoy na marami sa mga kinagigiliwan nating mga artista ay nahuhumaling na rin sa kung tawagin ng marami na “vlogging”. Ito ay tila katulad rin ng normal na “blogging” ngunit dinagdagan pa ng video. At talaga namang patok na patok ito sa maraming mga Pilipino lalo na at “internet connection” lamang at cellphone ang iyong kakailanganin.

Kamakailan lamang ay labis na ikinatuwa ng maraming netizen ang pinakabagong vlog ng host, aktres at komedyanteng si Alex Gonzaga. Sa bago niyang ibinahaging na video ay itinampok niya ang kaniyang di umano ay pag-aaudition bilang susunod na Darna.

Sinimulan niya ang kaniyang nakakaaliw na video sa pagpapakilala sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga talento na nalinang na niya sa paglipas ng panahon hanggang sa mga talentong madidiskubre pa lamang niya.

Narito ang paunang bahagi ng kaniyang pahayag sa kaniyang vlog:
“Marami po akong talent. Kaya ko pong kumanta. Kaya ko pong sumayaw. Kaya ko rin pong magpuyat hanggang alas-singko ng madaling araw. Pero hindi ko po kayang gumising nang maaga kapag puyat ako. Marami rin po akong mga hidden talent na hindi ko pa rin po nalalaman hanggang ngayon. Nakatago pa rin sila. Pero sa tingin ko, marami pa.”

Maya-maya pa ay mayroong batang babae na nag-abot sa kaniya ng bato na tila hindi rin niya agad agad na malulunok dahil sa kalakihan nito. Makalipas ang ilang minuto ay binigyan na lamang siya ng mas maliit na pamalit dito. Matapos nang tagpong ito ay makikitang lumabas ang aktres ng kanilang tahanan ng nakasuot na ng Darna costume.

Labis din na kinagiliwan ng marami ang kaniyang mga fighting scene sa mga stunt man na kaniyang inarkila. Talaga nga namang walang tatalo sa isang Alex Gonzaga kung pagpapatawa rin lang naman. Marami na namang siyang napatawang tao sa loob at labas ng ating bansa.



Reply

error: Content is protected !!