Bumiyahe upang masulat sa ‘Google Earth’, sa pamamagitan ng GPS, ang ‘marriage proposal’ niya para sa kanyang nobya

Isang pagsubok para sa mga lalaki ang magkaroon ng kakaibang paraan upang alukin ng kasal ang nobya. Ang tinatawag na ‘marriage proposal’ ngayon ay ginagawan na ng maraming pakulo upang maging matamis na alaala ang pangyayaring gagawin.

Pero kahit ano pang klaseng pakulo ang gawin, ang importante ay makuha mo ang sagot na “oo” sa taong nais mong pakasalan. Marami na tayong mga napanuod at naging viral na mga ‘marriage proposal’ pero natatangi itong makikita niyo ngayon dahil sadyang kakaiba ang paraan niya sa kanyang alok ng kasal.

Isang hapon na nagngangalang Yasushi Takahashi na may palayaw na “Yassan” ang gumawa ng isang kakaibang paraan ng ‘marriage proposal’. Isinulat niya ang mga salitang “MARRY ME” sa pamamagilan nang pag-biyahe sa Japan at maisulat sa Google Earth, sa pamamagitan ng GPS.

Nakaka-bilib talaga ang ginawa niya at nagkaroon siya ng Guiness World Record sa pag-tala ng pinaka-malaking drawing sa pamamagitan ng GPS sa kasaysayan. Taong 2008, si Yassan na taga-Tokyo ay nais pakasalan si Natsuki. Dahil hilig ni Yassan ang pag-gawa ng mga GPS Art, naisipan niyang ito ang maging ‘marriage proposal’ niya.

Ang GPS art ay isang sining ng pag-guhit ng larawan sa pamamagitan ng pagbiyahe upang maka-kuha ng linya at magkaroon ng ng magandang itsura sa pamamagitan ng Google Earth o iba pang application.

Sa kagustuhan ni Yassan na magawa ang kanyang kakaibang alok ng kasal, siya ay umalis sa kanyang trabaho upang malibot ang buong Japan at gumawa ng GPS art na ang nakasulat ay “MARRY ME”.

Sa kanyang biyahe, marami siyang napuntahang lugar sa Japan. Marami din siyang natutunan sa mga lugar na nadaanan. May mga pagkakataon ding nakakapag-pahinga siya at nakaka-kain ng iba-ibang pagkain. Nakaranas din siya ng maraming pagbabago ng panahon kahit na sa kotse lamang siya natutulog. Nagtagumpay si Yassan sa paggawa ng GPS art at ang pinaka mahalaga ay nakuha niya rin ang matamis na “oo” ni Natsuki.

Ang kaganapang ito ay ibinahagi ni Yassan sa Google at maraming tao ang nabilib sa kakaibang paraan ng kanyang ‘marriage proposal’.



error: Content is protected !!