Charlie Lozada na minsan nang natulungan ng “Tulfo in Action” dahil pinagtaksilan siya ng kaniyang misis, engaged na nga bang muli sa bago niyang minamahal?

Sadyang mayroon tayong iba’t-ibang kapalaran lalo na pagdating sa ating mga buhay pag-ibig o di kaya naman ay sa buhay mag-asawa. Maraming naging mas matagumpay at maayos ang buhay ng sila ay nagkaroon ng sarili nilang pamilya. Samantalang mayroon din namang mga tao na tila lalo pang naghirap at naging miserable nang sila ay pumasok sa buhay may-asawa.

Isa na marahil si Charlie Lozada sa makapagapatunay ng hindi magandang karanasan na kaniyang sinapit sa kaniyang buhay may-asawa. Dahil sa ang kaniyang misis na isang OFW na si Sheerlyn Gerasta ay nagkaroon pala ng kalaguyo sa ibang bansa na isa ring OFW. Hindi na inalala pa ang kapakanan ng kanilang limang anak at ang kanilang paghihirap dito sa Pilipinas.

Dahil nga sa natuklasan ng programang Tulfo in Action na hiningian ng tulong ni Charlie noon na ang may pagkukulang at ang may kasalanan ay ang kaniyang misis, tinulungan na lamang ng host ng programa na si Raffy Tulfo ang kawawang padre de pamilya at ang limang mga anak nito.

Nagbigay ito ng malaking halaga ng salapi na makakatulong para sa kanilang pagbabagong-buhay. Hindi naman ito sinayang ni Charlie at ipinangpatayo niya agad ng isang tindahan ng mga damit at pwesto sa palengke. Talaga namang naging matagumpay si Charlie sa kabila ng pag-abandona sa kanila ng kaniyanbw misis.

Ngunit kamakailan lamang ay nagulat ang marami sa larawan ni Charlie na kumakalat ngayon sa social media kung saan siya ay tila ang nagpapahayag ng kaniyang damdamin sa isang babae at tila mayroon din siyang hawak na singsing na di umano ay engagement ring na ibinibigay niya sa babae.

Ang video na ito ay ibinahagi mismo ni Charlie Lozada sa kaniyang social media account at mayroon pang caption na: “Deserve ko naman sigurong maging masaya.” Marami ang naging masaya sa pangyayaring ito sa buhay ni Charlie habang marami din naman ang nagpahayag ng mga negatibong komento ukol dito.



Reply

error: Content is protected !!